Scientific symposium ukol sa dengue isinagawa

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bansa ay idinaos na ang isang scientific symposium para lubos na maunawaan ang nakamamatay na sakit na ito.

Ang naturang symposium ay pinangunhanan ng Department of Health (DOH) na ang layunin ay maipabaitd sa publiko ang kasalukuyang sitwasyon ng bansa sa banta ng dengue.

Nakiisa sa symposium ang iba’t ibang pribado at pampublikong organisasyon.

Sa naturang symposium, ipinaliwanag ni Dr. Eric Tayag, chief ng Epidemiology Center ng DOH ang tinatawag na “3 A” (asin, alkohol at asete) upang maiwasan at mapuksa ang lamok na nagdadala ng dengue.

Samantala, sa punakahuling ulat ng DOH, umabot na sa halos 45,000 kaso ng dengue sa buong bansa kung saan 267 na ang namamatay.

Patuloy rin ang paalala ng DOH sa publiko na agapan ang dengue upang maiwasan na mauwi sa pagkamatay ng pasyente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply