Second class citizen lang sa ABS-CBN?: Kiray itsapuwera sa Star Magic Ball

KAHIT na sinasabi ni Kiray na hindi naman siya bitter dahil di siya na-invite sa Star Magic Ball, na isang tradisyon na among the stars of Star Magic, feel ng press na nagsisintir silently ang isa sa mga bida ng “Growing Up.” Hindi nga ma-imagine ng ilang press people kung bakit na-ignore si Kiray na hindi nga invited gayung may mga projects naman nga siya.

O baka naman, talagang second class citizen lang si Kiray sa Star Magic stable kaya nga di na lang binigyan ng special accord to be in the ball.

“Nakapagtataka lang pero nakaka-sad din, kasi never akong nag-JS (junior-senior prom), eh, kaya hindi ko alam ang feeling ng mga ball-ball na ’yan,” sabi pa ni Kiray.

May nagtanong kung feeling ba niya ay may discrimination at say niya, “Ay, hindi ko po alam. Mabait naman sa akin si Mr. M (Johnny Manahan, Star Magic head), love din naman ako ni Tita Mariolle (Alberto), pero hindi ko po talaga alam, kaya nagtataka nga po ako.”

Biro na lang ni Kiray, “Ayaw nila ng maganda sa ball, baka kasi taubin ko lahat sila.”

Kung sakaling naimbitahan siya, pupunta raw siya talaga dahil gusto rin daw niyang maka-bond ang co-artists niyang hindi pa nakakasama at hindi pa nakakatrabaho.

Para naman maibsan ang feeling niya, may nagsabing isipin na lang niya na hindi lahat ng invited sa Star Magic Ball, may career. At least, siya, meron.

“Tama! Hindi lahat ng kasali sa ball, may show. Ako, may dalawang shows at may movie. Mas gusto ko ang work kesa sa ball,” pabiro niyang pagtataray.

Nagtatampo ba siya sa Star Magic dahil dito?

“Hindi ako nagtatampo, pero nagtataka ako, kasi Star Magic ako, ’di ba? Star Magic Ball nga, eh. Eh, ’di sana, ginawa na lang nilang parang ball lang, walang Star Magic, kasi hindi ako kasali, Star Magic artist din ako.

Once again, tinanong siya kung masama nga ang loob niya.

“Hindi naman po masama (ang loob), hindi naman po ako ganu’n kababaw na hindi lang ma-invite, eh, iiyak-iyak na sa gilid, ’no! Hindi ’yun katapusan ng buhay ko at hindi ko po ’yun kawalan,” ani Kiray.

On a lighter note, happy siya na may bago siyang show, ang Growing Up, kasama sina Kathryn, Julia, Diego Loyzaga, Daniel Padilla, Neil Coleta, Yen Santos at EJ Fallurin.

Magsisimula sa Sept. 4 ang once-a-week teen series mula sa direksyon ni Lino Cayetano.

***

True ba?: Maja Salvador tried hard to snatch Paul Soriano from Toni Gonzaga?

FROM the looks of it, mukhang scripted lang talaga ang mga tsismaks na naging kulakadidang ni Direk Paul Soriano si Maja Salvador. Oo nga naman, very cinematic ang dating kung parang magiging triangle sina Maja, Paul Soriano at ang real life GF ni direk na si Toni Gonzaga.

Sa true, wala naman kaming nabasang tsismis noon pa man tungkol sa sinasabing di umano’y pagtatangka ni Maja na agawin si Paul kay Toni.

Obvious na obvious na made up lang talaga’ng slant para may dahilang magsintir at umiyak si Maja during the presscon of the movie. Ang ganda nga namang tingnan, and for sure, maka-elicit ito ng awa at panooorin ang movie na slated na nga for showing.

Actually, noong isang taon pa inumpisahang gawin ang movie, kaya medyo matagal bago ito natapos. Isa lang itong indie movie which Direk Paul conceptualized and dahil nga sa kakulangan ng capital, ayan nga pati na si Maja ay ginawang producer ng movie. Lumalabas na part producer si Maja dahil ang talent fee niya goes to the expenses of the production cost.

Sabi nga namain, nag-emote pa with crying ek si Maja pero halatang pilit lang niyang pinatulo ang mga luha para ma-justify yung sintir niyang inakusahan siyang mang-aagaw, lasengga at kung anik-anik pa.

In the end matapos niyang pahirin ang mga luha niya, balik siya sa happy mode lalo na nung si Matteo Guidicelli na’ng topic sa kanya.

Naging masaya ang mood ni Maja ng may nagkomento na ang ganda ng finale episode ng “Minsan Lang Kita Iibigin” at ang daming nag-tweet ng mga papuri na maging si Matteo Guidicelli, nag-tweet ng “I’m very proud of you.” Siya ba ang pinatutungkulan ng young actor?

“Marami pong nag-tweet na I’m very proud of you,” nakangiting say ni Maja habang nagpapahid ng luha.

Ano nga ang masasabi niya?

“Thankful naman ako na he’s very supportive.”

Dagdag niya, very happy siya sa nagiging resulta ng career niya at ang dami raw blessings na dumarating sa kanya.

Happy rin ba siya sa personal aspect ng buhay niya?

“I’m very happy po,” say ni Maja.

Hindi kaya kailangan na niyang umamin na may boyfriend na siya para hindi na siya nali-link kung kani-kanino? Hindi kaya dapat aminin na niyang sila na ni Matteo?

Natawa na lang si Maja.

“Basta I’m very happy po na he’s always there, supporting me, inspiring me rin. At saka, telling me not to give up sa kahit anong issue.”

O ayan, saan pa lulugar si Paul Soriano sa puso niya?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply