Second operation ni GMA ‘unsuccessful’ — FG

HINDI umano naging maayos ang resulta ng isinagawang operasyon kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Mismong ang mister nito na si dating First Gentleman Mike Arroyo ang naghayag na dahil nakitaan ng infection sa katawan ang former president ay hindi na natapos ang nakatakda sanang reconstructive surgery.

Maalala na sumailalim na sa operasyon kamakailan ang 64-anyos na si Arroyo dahil sa problema sa bahagi ng kanyang gulugod.

Ayon sa dating unang ginoo, nagdesisyon umano ang mga doktor ng St. Luke’s Medical Center na pagalingin muna ang infection bago gawin ang pagsasaayos sa isinagawang titanium implant sa pasyente.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula mismo sa mga doktor ng dating Pangulong Arroyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply