Seguridad sa LRT lalo pang paiigtingin

MAGTATALAGA ng Rail Command Police ang Light Trail Rail Transit Authority (LTRA) upang masiguro ang kapakanan ng mga pasahero.

Ayon kay LRTA Administrator Rafael Rodriguez, nakipagpulong na sila kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Allan Purisima upang mabuo ang ilalatag na hakbang.

“The rail police command that we are mulling together with the NCRPO will be patterned after the Philippine National Police Aviation Security Command and the Maritime Command,”pahayag ni Rodriguez.

Bukod dito, binanggit ni Rodriguez na maglalagay din sila ng dagdag na surveillance at communication systems gaya ng close circuit television camera o CCTV na nakakonekta sa NCRPO tactical monitoring and command center sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig.

Habang hinihintay na maisagawa ang nabanggit na hakbang, patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng mga pulis at gsecurity guard sa lahat na istasyon ng dalawang linya ng LRT.

“This will serve as a deterrent to criminal and terroristic activities along the rail system. This will also hasten our emergency response capabilities to address untoward and unexpected incidents along the revenue lines,” dagdag ni Rodriguez.

Magugunitang nagresulta sa trahedya ang pambobomba ng sinasabing kasapi ng Jemaah Islamiyah sa LRT1 noong Disyembre 2000 o Rizal Day Bombing na ikinamatay ng 22 indibiduwal at ikinasugat ng mahigit 100.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply