Sekyu itinumba sa binabantayang lote

PINAGBABARIL hanggang sa mapatay ang isang security guard ng hindi pa nakikilalang salarin sa mismong binabantayan nitong lote sa Quezon City kagabi (Martes, Agosto 30).

Namatay noon din sa lugar ng insidente ang biktimang si Rolando Apalla, 48, ng Regent Security Agency at residente ng No.1314 Mayhaligue St.,Tondo, Maynila dahil sa tinamong anim na tama ng bala sa katawan mula sa isang kalibre .45 pistola.

Mabilis namang tumakas ang salarin sakay ng isang Kawasaki Fury motorcycle patungo sa hindi pa malamang direksiyon.

Ayon kay SPO2 Rafael de Peralta, desk officer ng Quezon City Police District Criminal Investigation Unit, naganap ang insidente dakong 4:30 ng madaling araw sa Block 5, Lot 25 North Fairview, Barangay North Fairview, Q.C.

Sa pahayag ng witness na si Dionilo Powao, bago naganap ang insidente dakong 9:00 kagabi ay isang lalaki ang nagpunta umano sa compound at hinahanap ang isang Aisa at naulinigan niya na may kausap itong isang lalaki.

Ilang saglit lang ay nakarinig umano siya ng kalabog at sunod-sunod na putok ng baril at ng siya’y lumabas at nakita niya ang biktima na nakabulagta habang ang suspek na armado ng baril ay pasakay na ng motorsiklo at mabilis na umalis sa pinangyarihan ng insidente.

Inaalam ng mga awtoridad kung may kinalaman sa alitan sa lupa ang nangyaring pamamaril dahil ilang araw pa lamang aniya sa kanyang duty ang biktima matapos siyang italaga ng isang negosyante na magbantay sa pinagtatalunang lote sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply