Sekyu ng bangko sa QC namaril ng kabaro

KRITIKAL ang kondisyon isang secuirty guard habang sugatan naman ang isa pa nang pasabugan ng shotgun ng kanilang kasamahan sa trabaho sa Quezon City Huwebes ng umaga.

Isinugod sa Capitol Medical Center sanhi ng tinamong tama ng bala ng shotgun sa kanang batok ang biktimang si Danilo Furigay, 55 at residente ng 39 Ilang-Ilang St. Payatas A, QC, habang nadaplisan naman ng bala ng shotgun ang kaliwang binti ng isa pang sekyu na nakilalang lamag na “Nakar.”

Kalaboso naman at nakakulong na sa Quezon City Police District Station 2 at sasamphan ng kasong frustrated homicide at serious physical injury ang suspek na si Ronnie Quilino, 46, security guard residente ng Kasunduan St. Commonwealth, QC.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Rogelio Bartolome ng (QCPD PS2, naganap ang insidente dakong 8:45 ng umaga sa cash department ng Bank of Commerce Building sa kanto ng West Avenue at Times St. at Zamboanga St, Barangany, Kaunlarang Nayon.

Bago ito, nabatid na kinausap ni Furigay si Quilino para ilipat ang assignment nito sa Baclaran branch ngunit umalma at sinabing  masyadong malayo ito para sa kanya dahil nakatira ito sa Commonwealrh Avenue sa QC.

Bukod pa rito, idinahilan din ni Quilino na kabuwanan na ng kanyang buntis na asawa kaya kung maaari ay huwag na lamang siyang ilipat ng assignment.

Hindi naman pumayag si Furigay hanggang sa magkainitan ang dalawa at ayon kay Quilino ay itinutok sa kanya nito ang M16 rifle kaya niya ito inunahang barilin.

Sa nasabing pagputok ni Quilino nadaplisan ng bala ng shotgun si Nakar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply