Sen. Sotto sinopla sa pagtutol sa RH Bill

NILINAW ni Sen. Pia Cayetano na hindi duplikasyon ng kasalukuyang batas ang Reproductive Health (RH) Bill tulad nang paniniwala ng ilang kritiko kabilang si Senate Majority Leader Vicente Sotto III bagkus magsisilbi itong buradosa kalusugan ng kababaihan.

Ayon kay Cayetano na sakaling maipasa ang RH bill, magkakaroon ng malinaw at matibay na pambansang patakaran sa reproductive health at responsableng parenthood na siyang magsisilbing pamantayan sa program ng Department of Health at local government units (LGUs).

Sa kanyang tugon sa pagpapatuloy ng interpelasyon ng mga kritiko sa RH bill, at ni Sotto, sinopla ni Cayetano ang pananaw ng senador na hindi kailangan ang RH bill dahil kokopyahin lamang nito ang kasalukuyang batas.

“Kung sasabihin na hindi kailangan ang RH bill dahil may ilan nang umiiral na batas na tumutukoy sa katulad na bagay, (hindi sapat) na dahilan upang ibasura ang panukala,” ayon kay Cayetano.

Paniniwala ni Sotto na may ilang probisyon sa panukala na katulad ng umiiral na batas tulad ng Magna Carta of Women, PD 965 na inaatasan ang aplikante sa kontrata ng kasal na tumanggap ng patnubay sa family planning at responsible parenthood kabilang ang Administrative Order No. 2008-2009 ng DOH na naglatag ng Maternal, Neonatal and Child Healtyh and Nutrition strategy.

Ngunit, sinabi ni Cayetano na pangkalahatang batas ang Magna Carta for Women, habang espisipikong batas naman ang RH bill na may layunin na paigtingin ang ilang karapatan na nakatakda sa Magna Carta partikular ang karapatan ng kababaihan sa kalusugan.

Patuloy pa ng senador:  “There are laws that address many issues in RH, but none of these laws are specific to RH the way [SBN 2865] is intended to be. If we look at the very title of the Magna Carta of Women, it covers many issues that affect women, and RH is definitely a part of it. So to that extent, the members [of the 14th Congress] who passed the Magna Carta of Women included RH. But that would not, in any way, prevent or prohibit us [members of the 15th Congress] from now passing an RH measure that is very specific.”

Sinabi pa ni Cayetano na pangkaraniwang nang ugali ng mga mambabatas sa deliberasyon ng isang panukala na tukuyin ang katulad na probisyon sa umiiral na batas upang patunayan na tumutugon at umaayon ang kanilang panukala sa obhektibo sa katulad na batas na pinagtibay ng mga nakaraang Kongreso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply