Sen. Zubiri nag-resign na, nagpasalamat sa mga kasamahan

NAGBITIW na si Sen. Juan  Miguel Zubiri sa harap ng kanyang pamilya, kaibigan at supporters na halal na opisyal ng pamahalaan lokal  bilang protesta sa paratang na sangkot siya sa malakawang dayaan noong 2007 senatorial elections.

Sa kanyang madamdaming privilege speech, sinabi ni Zubiri na hindi na niya makayanan na sikmurain ang masasama at maling paratang at akusasyon sa kanya na lubhang nakakaapekto sa kanyang pamilya at kaanak.

“I did not cheat nor ask anyone to cheat for me and my family. We never tolerate any form of electoral fraud,” ayon kay Zubiri.

Aniya. Hindi lamang siya nasasaktan dulot ng personal na atake laban sa kanya at kanyang pamilya dahil nagsimula ang kanyang mga kalaban sa pulitika na tawagin siya ng masasamang pangalan at kinakaladkad ang kanyang pangalan sa ngalan ng kanyang pamilya.

“I could feel how my wife has had sleepless nights, my father, my mother who has undergone two major brain operations and is not constantly suffering physically and emotionally, together with my siblings who have been hurt and affecgted by such unfounded and baseless accusations,” aniya.

Idinagdag pa niya na nagsimula na ang “trial by publicity.”

“The trial at the Senate  Electoral Tribunal where this issue could have been properly ventilated and resolved has been practically set aside,” giit niya.

Sinabi pa ni Zubiri na nagbitiw siya dahil hindi makatuwiran ang mga akusasyon laban sa kanya at sistematikong hinahati ng isyu ang bansa at nakapagdulot ng pagdududa sa sistema ng halalan na lubhang naapektuhan ang kanyang sarili, ang Senado maging ang buong bayan.

“I am resigning, not because I wish to evade the decision of the Senate electoral Tribunal. Handa ko pong tanggapin ang anumang hatol mula sa nasabing hukuman,” aniya.

“And as I now pronounce my joining the civil society, it is my humble prayer that his institution allow me to resign with honor and dignity,” dagdag niya.

“My highest respect always remains in this Institution and to the men and women who serve it,” aniya

Kauna-unahan si Zubiri sa mambabatas na boluntaryong nagbitiw sa puwesto matapos akusahan na nandaya sa halalan kahit walang matitibay na ebidensiya.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply