Senado ‘di ititigil ang imbestigasyon vs GMA

WALANG balak ang Senado na itigil ang mga imbestigasyon kaugnay ng akusasyong katiwalian laban kay dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ito ang bingyang diin ni Sen. Franklin Drilon kahit pa aniya may sakit si Arroyo dahil sa pagsailalim nito sa cervical spine operation ay hindi puwedeng harangin ang imbestigsyon sa kinasangkutang usapin.

Paliwanag ni Drilon na sa usaping legal ay hindi puwedeng ihinto ang pagsasampa ng kaso laban sa isang akusado dahil sa estado ng kalusugan nito.

Gayunman, sakali aniyang naisampa na ang kaso ay puwede naman ipagpaliban ang paglilitis dahil kailangan ng presensya ng akusado sa trial na bahagi ng due process.

“Kung may sakit siya at hindi pwedeng humarap sa husgado, may basehan ang pagpapaliban ng paglilitis. Ngunit ang karamdaman ay hindi dahilan para ipagpaliban ang pagsampa ng kaso,” ayon kay Drilon.

Nanindigan din si Drilon na ipagpatuloy ng Senado ang imbestigasyon naman laban kay dating First Gentleman Mike Arroyo at paghalukay sa iba pang ebidensya kontra dito kaugnay ng chopper anomaly. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply