Senado nagsasayang ng oras sa pag-iimbestiga vs GMA

HINAMON ngayon ng minorya ang sinumang may hawak na ebidensya sa diumano’y katiwalian na naganap sa nagdaang administrasyon na maghain ng kaso sa korte.

Ang paghamon ay ginawa nina House Minority Leader Edcel Lagman at Deputy Minority Leader Danilo Suarez matapos padalhan ng imbitasyon ng Senado si Negros Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon ukol sa bentahan ng second-hand choppers sa Philippine National Police.

“Kung sino ang may ebidensya ukol sa krimen ay dalhin ito sa korte. I would like to urge them to bring the case to judiciary. Ang nangyayari kasi witch hunting first,” paghahamon ni Lagman.

Aniya pagsasayang lamang ng oras ang ginagawang ito ng Senado.

Kasabay nito ay sinabi ni Lagman na hindi maaaring i-compel ng Senado si Iggy na dumalo sa pagdinig dahil sa tinatawag na inter-parliamentary courtesy na aniya’y matagal ng binaboy ng administrasyon.

Hindi rin pinagpayuhan ni Lagman ang kasamahan sa minorya na si Iggy sa pagsasabing “it’s Iggy’s call, it’s Iggy’s move.”

Iginiit ni Suarez na kung seryoso ang Senado na kasuhan ang mga sangkot diumano sa bentahan ng choppers sa PNP ay unang dapat na kasuhan ang mga nagsabing ang naturang mga chopper ay brand new gayung ito ay pawang mga second hand.

They are doing this in aid of reelection. File charges to those who said it is brand new, from that they can file a case,” sinabi pa ni Suarez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply