Senglot na sekyu patay sa boga sa Caloocan

PATAY ang isang lasing na sekyu matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek nang magwala ang una at maghamon ng away sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa kanan tenga si Roderick Montano, 35 ng Phase 4, Bagong Silang, nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong 2 ng madaling araw, lasing ang biktima at nagwawala sa labas ng kanilang bahay hanggang sa maghamon ng away.

Ilang resudente ang tumawag ng barangay tanod subalit nang respondehan ay ayaw paawat ng biktima sa pagwawala.

Isang putok ng baril ang narinig hanggang sa makitang nakabulagta na ang biktima.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga pulis upang matukoy kung sino ang salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply