Sexual harassment sa babaeng inmates sisiyasatin

IPINASISIYASAT ng isang mambabatas sa Kamara ang sexual harassment sa mga babaeng detainees at kanilang bisita ng jail guards sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Inilatag ni Gabriela party list Rep. Emmi de Jesus sa pagdinig ng House Appropriations Committee ang isyu nang isalang na ng komite ang panukalang budget ng Department of Interior and Local Government (DILG) para sa taong 2012.

Binanggit ni de Jesus na inilalabas umano ang mga babaeng inmates sa Philippine National Police Headquarters Custodial Center Camp Bagong Diwa mula sa kanilang kulungan sa gabi at pinupuwersang makitabi sa inuman ng mga jail officers.

“Even under the purported daang matuwid slogan of the administration, we continue to receive reports of violence against women detainees in the form of sexual harassments committed by jail personnel,” ani de Jesus.

Nanawagan din si de Jesus kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Director Rosendo Dial na imbestigahan din ang naturang reklamo ng babaeng detainees laban sa jail guards.

Ayon kay de Jesus, nakaaalarma ang naturang ulat ng sexual harassment laban sa babaeng inmates sa loob pa mismo ng police detention cells na dapat agad imbestigahan ng KOngreso.

Inireklamo rin ng mambabatas ang pamamaraan sa mga bisita tulad ng pagpapahubad o strip-searching ng mga bisitang babae sa Camp Bagong Diwa.

Inihayag pa nito na magbubuo ang Gabriela kabilang ang iba pang concerned group ng fact-finding missions para i-monitor ang sitwasyon ng mga babaeng inmates upang masigurong naporportkahan ang kanilang karapatan at kalagayan kahit sa loob ng kulungan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply