Shabu lab nabisto sa Surigao

NABISTO ang isang pagawaan ng shabu sa Sitio Cabuguasan, Brgy. Ipil, Surigao City makaraang salakayin ito ng mga awtoridad.

Ang shabu lab ay pinapatakbo umano ng dalawang Taiwanese nationals. Ang isa ay kinilala lamang sa pangalang Yangkay.

Hindi sinasadya ang pagkakabisto ng naturang laboratory dahil nagsumbong lang umano ang may-ari ng lupa na si Rodolfo Retorta sa pulisya na suriin ang laman ng ipinatayong laboratoryo matapos walong buwan na hindi magpakita sa kanya ang mga Taiwanese na rumenta sa kanyang lupa.

Ayon kay Retorta, taong 2009 inupahan sa kanya ang lupain para umano magtayo lamang ng small scale mining operation ng manganese.

Nakuha sa raid ang mga kemikal at mga aparatus sa paggawa ng shabu.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply