Shabu tiangge sa Quezon City sinalakay, 6 tiklo

TIKLO ang anim na user at pushers ng shabu at marijuana matapos salakayin ng operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency ang kanilang kuta sa Don Pepe St., Brgy. Sto. Domingo, Quezon City kaninang umaga.

Nabatid na sinalakay ng operatiba ang nasabing shabu tiangge sa nasabing lugar matapos ang halos ilang buwang pagsasagawa ng surveillance ng Remate expose staff.

Lumalabas na ang nasabing shabu tiangge ang itinuturing na pinakamalaking puwesto ng bentahan at bilihan ng shabu at mga iligal na droga sa nasabing lungsod.

Nakumpiska sa lugar ng mga suspek ang isang plastic attache case na naglalaman ng marijuana at mga shabu paraphernalia na hindi pa batid ang halaga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply