‘Shabu tiangge’ sinalakay ng PDEA-ARMM

SINALAKAY ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PDEA-ARMM) ang matagal ng pinaghihinalaang “shabu tiangge” sa barangay Lower Dansalan, Marawi City o mas kilala sa taguring “lumber shabu.”

Ang nasabing lugar ay nasa tabi ng Lake Lanao. Sa ginawang raid ng PDEA-ARMM, nadiskubre ng raiding team na may booth sa ilalim ng isang bahay na may mga upuan na ginagamit ng mga parokyano nitong shabu users.

Ang lugar ay mistulang maliit na palengke at ang mga paninda ay gramu-gramong shabu at lantaran ang pagbenta at paggamit nito roon.

Maliban sa nahuling shabu ay nadiskubre rin ng raiding team sa nabanggit na lugar ang 50 video karera. Isang babae at isang lalake ang nahuli sa buy-bust operation ng PDEA-ARMM na kinilalang sina Zainudin Manso at Myrna Lindab.

Nakuha sa kanilang posesyon ang mahigit 15 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P75, 000. 00 at iba’t ibang shabu paraphernalia.

Halos isang taong nagsasagawa ng surveillance ang PDEA-ARMM bago maipatupad ang matagumpay na operasyon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply