Shalala pinaglalaruan lang ang mga producer

SA SOBRANG imbyerna yata ng mga producer ng pelikulang “Batang Ifugao” na pinagbibidahan ng mga baguhang sina Morris John at Sofia Lee, na sina Boy Pilapil dito sa baklitang si Shalala. Ayon sa kwento sa amin ni Papa Boy (tawag kay Boy Pilapil ng mga artista nya) na noong niluluto pa lang daw ang nasabing proyekto (Batang Ifugao ) ay nakiusap itong si Shalala na isama sa naturang movie at nagpasabi na hindi poproblemahin ng nabanggit na mga producer ang tungkol sa talent fee ng bading basta’t magiging bongga lamang daw ang  magiging role rito.

Kaya naman ang ginawa ng mga kawawang producer ay nagdagdag pa ang mga ito mapagbigyan ang pakiusap ni Shalala. Pero noong tinatawagan na nila ang baklang ito (Shalala) para sana sa script reading ay hindi na sinasagot nito ang kanilang mga tawag at text. Natuloy ang nasambit na movie, na walang Shalala at ang balita namin, ang movie writer na si Chito Alcid ang ipinalit rito.

Mabuti na lang daw at may Chito Alcid na umako sa naturang role na dapat sana’y kay Shalala dahil mahusay naman daw ang akting nito.

Muntik-muntikan na hindi matuloy ang syuting ng Batang Ifugao dahil sa nanabang na ang producer nito buhat makaranas sila nang pang-ookray mula kay Shalala. Tuloy ang babala ni Papa Boy sa ibang mga producer na nagbabalak kunin itong si Shalala. Pag-isipan nyo raw munang mabuti at siguraduhing hindi naka-take ng droga ang baklitang ito.

Sobrang nagpakita raw ng maseselang bahagi ng kanyang katawan ang sexy star na si Sofia Lee sa pelikulang ito.

Grabe rin ang laplapan nila rito ng bauhang si Norris John.

***

Samantala, isang baguhang sexy actor ang muntik-muntikan na palang mabugbog ng mga kaanak ng isang bagets na babae makaraang paghihipuan niya ito sa maseselang bahagi ng katawan. Kung hindi lamang daw namagitan ang kanyang manager, siguradong rarampa sa isang bikini open show ang hitod na puro bukol ang mukha sa sobrang galit ng mga kaanak ng bagets.

Sa pagkakaalam namin, isang Rob da Silva ang ginagamit na screen name ng nasabing indie actor. Lumabas na sa isang indie movies itong si Rob. Ito ‘yung pelikulang “Lagpas” at Arvie da Silva naman sa mga rampahan gaya ng mga bikini open.

Sa ngayon, nagbabalak ang kanyang manager na ituloy ang pagrampa ng kaso laban dito kay Rob da Silva dala raw ng awa ay naramdaman niya (Talent manager ) sa bagets na minolestiya nitong indie actor na to kung kaya’t nakapagdesisyon na siyang sampahan ng kaukulang reklamo ang hitod.

Makakarampa pa kaya itong si Rob da Silva a.k.a. Arvie Silva ngayong Sept. 6 sa isang Bikini Open? Malakas pa naman daw sana ang laban ng bagets na ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply