Sharapova, Murray kampeon sa Cincinnati Open

ITINANGHAL na kampeon si Russian tennis star Maria Sharapova matapos gibain si Serbian Jelena Jankovic 4-6 7-6 6-3 dahilan upang makuha ang korona sa  Cincinnati Open sa Mason, Ohio.

Sa panalong ito, naibalik na ni Sharapova ang kanyang katayuan bilang isa sa mga paboritong mananalo sa U.S. Open.

Nagkaroon ng 16 breaks sa serve bago nasikwat ni Sharapova ang panalo at nakuha ang second title niya sa season at 24th naman sa buong career ng magandang atleta.

Samantala, ang Briton na si Andy Murray ay itinanghal ding kampeon sa men’s division ng Open matapos sumuko  ang pambato ng Serbia na si world number one Novak Djokovic dahil sa injury.

Kontrolado na ni Murray ang laro, 6-4 3-0, nang si Djokovic na una nang nagpagamot sa first set pa lamang ay umatras sa laro.

Ito ang ikalawang titulo ng world number four sa Cincinnati kung saan nadurog na rin niya si Djokovic noong 2008 final.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply