Sharon pakialamera sa relasyon nina KC at Piolo; Gabby walang paki!

KAHIT na parehong nagsasalita na sina KC Concepcion at Piolo Pascual na wala naman silang problema and that they are happy in love, marunong pa rin namang magbasa ang publiko.

Na kumbaga, habang sinasabi ni KC na maasaya siya at umabot ng tenth monthsary ang relasyon nila ni Piolo, it is just like saying na may problema sila, dahil ang isang sikat na artista, di naman magbubukas ng bibig sa publiko kung walang kahulugan ang sasabihin niya.

From her simple statement, nagsalita na si Piolo at very guilty ang kanyang sound.

Umani ng mainit na espekulasyon ang mga binitiwang pahayag ni Sharon Cuneta sa kanyang recent TV interview na diumano’y may pinagdadaanan ngayon ang kanyang panganay na si KC Concepcion.

Lalo pa ngang nakadagdag sa interest ng tao na hindi na nagdetalye si Shawie kung ano ito.

“Of course. That’s not for me to say. But she’s a strong girl. My girl is strong and level-headed and she has us, she has her family. Yes, I would like her to be happier.

“Basta ang paalala ko lang, in general, is don’t you ever allow yourself to be mistreated because baka ang tatay ko umikot sa libingan niya.

“Kasi lahat kami, parang lumaki siya nang matino, lumaki siya nang mahal na mahal namin, ’yun lang naman ang gusto ko. Uulitin ko ’yung sinabi ng daddy ko noon, kahit metro aide ang maging asawa niyo, basta siya yung talagang mahal na mahal. Matapos lumabas ito ay marami nang speculations na lumabas na diumano ay
ang relasyon ni KC kay Piolo Pascual ang tinutukoy ni Megastar.

May mga nagsabi ng taken for granted daw ni Piolo si KC at diumano’y may problema raw ang relasyon ng dalawa ngayon.

Matter-of-factly naman kung magbigay ng statement si Gabby Concepcion.

“Basta lahat naman tayo, pag nagmahal binibigay natin lahat, di ba?

“Sana lang it works out and I’m happy for the two of them,” mensahe pa ni Gabby.

Tinanong naman si Gabby kung sa tingin ba niya ay may pagkukulang si Piolo sa kanyang anak.

Napapabalita nga kasi ang pagkakamalabuan nina KC at Piolo.

“Nabanggit sa akin ni KC na sila na, from that point on, hanggang sa ngayon, hindi ko na alam kung ano ang nangyayari.

“Kaya nga, on the spot nga ito, hindi ko nga alam. Ngayon ko nga lang narinig, e.

“Ba’t ako tinanatanong tungkol sa kanilang dalawa. Hindi naman ako ang may relasyon,” nakangiting sagot ni Gabby.

Pero ayon sa 46-year-old actor, may tiwala naman daw siya sa kanyang anak at kay Piolo.

“I trust KC, I trust Piolo sa relasyon nila. If it works out, then I’m happy for them.

“If it doesn’t work out, well, life is like that, e.

“Wala akong alam sa nangyayari, e. Nasa dagat lang ako…” sabi ni Gabby sabay kibit balikat.

“It’s not my life. I don’t know what’s going on. Buti nga binabalitaan ninyo ‘ko, e.

“Pero I wish them the best,” pahabol ng ama ni KC.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply