Shocking! Super nice raw si Marianita sa gwaping na si Mikael Daez

NALI-LINK ngayon si Mikael Daez kay Megan Young? Nabalita pa ngang nag-date sila sa Greenbelt.

“Ah talaga? Si Megan, si Sarah (Lahbati), si Lauren Young, ang dami n’yo namang inaano sa akin,” at muling natawa si Mikael.

“Well kilala ko naman silang lahat, may common friend… actually kilala ko silang lahat because of this one friend from college so may common friend talaga kami, so pag lumalabas kami ayun, nagkikita kami.”

Nililigawan niya si Megan?

“No, we’re friends.”

Yung nakuhanan sila ni Megan ng litrato sa Greenbelt na silang dalawa lang?

“Wala lokohan lang yun. We’re friends lang actually.

Leading man siya ni Marian Rivera sa TV, ano ang nakita niya kasi tiyak na aware siya sa mga negative issues about her. Nakita ba niya iyon?

“Well lagi kong sinasabi sa mga tao pag tinatanong ako about Marian; siyempre lagi akong tinatanong, ‘How’s Marian?,’ ganyan, everything. Yung sinasabi ko, you know from my experience, from day one nung unang-una ko siyang nakausap, which was the storycon of ‘Spooky Nights,’ napakabait niya, as in!

“The first thing na sinabi niya sa akin, sinabi niya, ‘Huwag kang kabahan, Mikael okay lang yan, tutulungan ka naman namin’.

“The whole storycon binubulungan lang niya ako, sinasabi niya ‘Okay lang yan, ganito ang dapat gawin mo kung tatanungin ka ng ganito. Ito ang dapat gawin mo pag nasa set ka na’.

“Very supportive talaga siya and she’s a big reason na, alam mo yun, naging kumportable ka na sa bago mong environment, malaking dahilan siya dun.

“Until now tinutulungan pa rin niya ako, sinasabi niya, ‘Kung may problema ka sa eksena natin, tanungin mo lang ako.'”

“Yung mabibigat naming eksena lalo, tinutulungan niya ako.”

Nang nababalitaan niya ang negative intrigues about Marian, ano ang reaksyon niya?

“Well unang-una ako, yung ano ko dun, yung tingin ko dun, it’s showbiz, di ba? I mean people are bound to misinterpret things kasi siyempre nakikita lang nila one part lang, e. Ako nakikita ko… nakikilala ko talaga siya so …hindi naman sa, actually hindi ko naman siya pinapansin kasi ako based on my personal experience lang lagi.

“I mean I dont judge a person on what I hear, I judge a person kung paano ko siya nakikilala. And the way I know Marian and everybody else on the set, oh my God, we’re one big fighting team,” sey pa niya.

Baguhan pa lang siya pero sinalubong na agad siya ng intriga noon, partikular na ang diumano’y nude photo scandal niya na kumalat sa internet.

Nagka-trauma ba siya or na-shock ba siya dun?

“Well of course shocking kasi… of course anything, lahat ng pinasukan ko dito sa showbiz, lahat naman shocking. “Yung pagkakakilala ko lang kay Marian, shocking na rin yun e, di ba? “Pleasant iyon, of course may pleasant and unpleasant experiences. Pero the thing is yun nga, talagang I made sure na yung mindset ko is going to be very very focused, focused on acting and trying to be the best actor that I can be right kasi a lot of people know na I don’t have a lot of acting experiences prior to this, so super-focused lang ako, then everything else, just put it aside first and then focus on this one thing that will help me become successful in my career.”

Nung bago pa lang siya, dahil na rin sa intriga, nagkaroon ng impression ang marami, lalo na ang press na umiiwas siya sa mga interviews dahil nga sa mga issues.

“Well, if ever umiwas ako, sorry, pero now we’re all talking,” ang tumatawa pa ring sinabi ni Mikael.

“You talk to me and I’ll talk to you. Sobrang hilig kong magsalita, sobrang ingay ko, sobrang ingay ko. Madaldal ako,” aniya pa.

-0o0-

SUSUBUKAN na sa pelikula sina Julia Montes at Kathryn Bernardo via “Way Back Home” na showing na sa August 17. Si Sam Concepcion ang kapareha ni Julia while si Enrique Gil naman ang kay Kathryn.

Masaya si Sam na nabigyan siya ng chance na makatrabaho sina Julia at Kathryn na sumikat dahil sa defunct series nilang  “Mara Clara” ng ABS-CBN 2.

“Sobrang excited po talaga to work with Julia and Kathryn kasi siyempre they’re very successful umpisa pa lang ng Mara Clara. And it’s a big role rin yung pinortray namin ni Enrique. We just give our all po and did our best for this movie. Hopefully magustuhan ng mga tao,”sey ni Sam.

Bago ang Way Back Home ay nakasama na ni Sam si Julia noon sa youth-oriented show na “Shout Out.” Pero hindi sila nagkaroon ng chance na maging close dahil once a week lang naman silang nagkikita para sa taping.

Ngayon lang talaga masasabi ni Sam na close na sila ni Julia dahil madalas silang nagkikita noon sa shooting ng kanilang pelikula.

“With Julia po, magka-vibes na kami talaga. We get along well. We like the same things. Pareho po kaming mahilig mag-counter strike..And naging mas madali po ang trabaho because of that.”

Ang namayapang young actor na si AJ Perez ang original choice para sa role na napunta kay Sam. Pero hindi big deal para kay Sam kahit pa replacement or second choice lang siya para sa role.

“Yun pong second choice para na rin naman pong first choice kasi nga po sa rami naman ng mga artista ng ABS-CBN ay sa akin ipinagkatiwala ng Star Cinema ang role na para sana sa kaibigan kong si AJ. Actually, ang name ko po sa movie ay AJ din as a tribute to him.

“Si AJ kasi is very hardworking. Kaya niyang gawin kahit ano that he sets his mind to. And I wanted to do the same for this movie. Siyempre ibinigay ko rin lahat yung kaya kong gawin kung paano niya sana gagawin itong project na ito. Well, just trying to do my best to make him proud in a way and siyempre not to let him down and his family down,” aniya pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply