Shooting incident sa Makati: 1 carnapper patay, pulis sugatan

NAGDULOT ng trapik ang nangyaring shooting incident ng mga carnappers at mga pulis malapit sa post office sa Makati City, umaga ng Miyerkules, Agosto 10 kung saan patay ang suspek habang sugatan naman ang isang pulis.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, naganap ang naturang shooting incident sa Ayala-Buendia area,kung saan kinailangang isarado ang ilang bahagi ng Ayala Extension (Malugay).

“Regarding shooting incident at Ayala Buendia, as per (advise) of MAPSA ang kabarilan ng mga police ay mga carnaper, temporary closed to traffic ang Ayala extension Malugay (Makati authorities advised the shooting involved police and suspected carjackers. A part of Ayala Extension was temporarily closed to traffic),” ayon sa Twitter account ng MMDA.

Ayon naman sa magkahiwalay na ulat ng dzBB, patuloy na tinutugis ng pulisya ang suspek na carjacker makaraang makatakas sa engkuwentro nila madaling –araw ng Agosto 10.

Pinapalayo naman ng awtoridad ang mga bystanders kasama na ang miyembro ng media sa pinangyarihan ng barilan.

Nabatid na nasawi sa shooting incident ang isa sa miyembro ng Onad Group na hinihinalang responsable sa mga carjacking activities.

Habang ang isa sa kasamahan ng suspek ay nakatakas habang sugatan din ang isa sa pulis na nakaengkuwentro ng mga ito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply