Short-list ng posibleng kapalit ni Bacalzo hawak na ni PNoy

NASA kamay na ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang shortlist ng mga pangalan ng mga maaaring pumalit kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Raul Bacalzo, na nakatakdang magretiro sa Setyembre.

Ayon kay Pangulong Aquino, ihahayag niya kung sino ang kanyang napupusuang susunod na hepe ng PNP sa wastong panahon.

Titiyakin umano ng Presidente na ang magiging kapalit ni Bacalzo ay tulad niyang mahusay magresolba sa mga problema sa PNP.

Binanggit ni Pangulong Aquno ang malaking bawas sa bilang ng mga insidente ng pagnanakaw ng sasakyan sa panahon ni Bacalzo.

‘‘Yung carnapping incidents are less than half of what it was last year,” aniya. “From a thousand to bring it to about 400 or so, eh malaki-laki naman yata ang nagawa na ng ating anti-carnapping task forces.”

Ipinangako nitong ibabalik niya ang  tunay na tapang at dangal ng mga pulis bago matapos ang kanyang termino sa taong 2016.

“Mayroon akong ambisyon na pagbaba ko sa puwesto sa 2016, iiwan ko ang PNP na tunay na may tapang at dangal,” ani Pangulong Aquino.

Ngayon pa lamang umano ay nakababawi na ang PNP mula sa isang-dekadang imahe ng katiwalian.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply