Si Executive Secretary Ochoa at sumbong sa Iglesia

IBINAON na ata sa limot ang kaso ni Ruby Rose Barrameda, isama na rin natin dito ang kaso ng ating mga kapatid sa pamamahayag na sina  Albert Orsolino at Dick Melendrez.

Isang katarantaduhan ang nagaganap ngayon kung kaya’t mabagal ang pag-usad ng kaso ng mga Barrameda laban sa mga Jimenez.

Yan ang bulong ng ating uzi makaraang mapansin nito na may nangyayaring milagro sa kaso.

NASAAN NA SI LOPE JIMENEZ?

Dahil sa pagiging inutil ng hustisya sa bansa ay nakalusot palabas ang pangunahing suspek na si Lope Jimenez.

Ito rin ang itinuturong master mind sa pagpatay naman sa ating mga kapatid na sina Albert Orsolino ng Peoples Balita at Dick Melendrez ng Tanod.

Bulong ng ating mga Ka-Bro ay nasa Malaysia na raw si Lope.

Ginamit ang sariling fishing vessel at tumawid sa Sabah, Malaysia.

SARAP NG BUHAY NI MANUEL JIMENEZ JR

Sa mga suspek sa pagpatay ay tanging si Atty. Ma-nuel Jimenez Jr. lang ang nasa kustodiya ng pamahalaan, pero nasa ospital ito at ni minsan ay hindi nasubukang makulong sa likod ng rehas.

2 years na itong nasa ospital simula noong October 2009.

Kapansin pansin na ni minsan ay walang nagtangkang doktor na tingnan ito kung talaga bang siya ay may sakit o nagmamalinggiring lang. Magkano este bakit?

PARRICIDE NI MANUEL JIMENEZ III

Isinampa na ng DOJ ang kasong parricide laban kay Manuel Jimenez III na asawa ni Ruby Rose Barrameda.

Simula August 2010 ay lumabas na ang resolusyon sa DOJ na nagsasabing may probable cause at isinampa na sa korte.

Pero kahina-hinala na hanggang ngayon ay hindi pa ito inaaresto ng kapulisan dahil meron daw Petition for Review sa Malacanang ang kaso.

Sa madaling salita may nagpapatulog ng kaso sa Malacañang.

UTOPIA NI OCHOA

Base sa sumbong ng ating uzi , bagyo daw kay Ochoa itong mga Jimenez. Bakit?

Ka-Brod daw kasi ni Atty. Jimenez si Ochoa sa Utopia fraternity.

Executive Secretary! Kapatid mo kaya o mahal mo sa buhay ang katayin ko at isilid sa drum gaya ng dinanas ni Ruby Rose, ano kaya ang mararamdaman mo?
Nagtatanong lang po!

KA RESTY NG IGLESIA NI CRISTO

May nagpakilala sa ULTIMATUM at sinasabing boses s’ya ng kapatiran sa Iglesia.

Ito po ay si Ka Resty Lazaro na nagsasabing baka maaaring tulungan ng ULTIMATUM ang pamilya Jimenez sa dinaranas nilang delubyo.

Kasama si Ka-Wally Sombero ay iniharap sa atin ang kapatid ni Lope na si Sally Jimenez Rivera.

Malumanay na nakiusap sa atin ang kapatid ni Lope na sinasabing wala silang kinalaman sa patayan.

Ang sabi ng inyong lingkod ay huwag na po nating pag-usapan ang kaso dahil hindi tayo matatapos sa usapan.

AREGLO SA KASO

Animoy umaareglo ang mga ito sa ULTIMATUM pero isa lang ang isinagot ng inyong lingkod…

Unahin n’yong kausapin at tulungan ang mga pamilya ng biktima baka sakaling doon ay malutas n’yo ang problema.

Isang taon na nang ipangako ni Ka-Resty na tutuparin nila ang iminungkahi ng ULTIMATUM.

Pero mukhang ginawa lang tayong gago ng mga nakaharap natin.

SUMBONG KAY KA-EDUARDO

Mukhang hindi alam ni Ka-Eduardo ang nangyayaring ito kung kaya’t isinulat na ito ng ULTIMATUM.

Sinubukan din nating iulat ang gawaing ito ng ilang bugok d’yan sa ginagalang nating Iglesia ni Cristo pero mukha talagang may humaharang dito.

Ipinagmamalaki kasi ng mga bugok na mahigit 1,000 miyembro daw ang inakay ng mga Jimenez sa Iglesia kung kaya tinutulungan nila ito.

Ka-Eduardo baka naman po maaari n’yong silipin kung kailan naging Iglesia yang si Lope.

Dahil  base sa sumbong ng aming uzi ay naging aktibo lamang ito nang uminit na siya sa media nung mapatay sina Orsolino at Melendrez noong taong 2006.

Lilinawin lang po natin na isinulat po ito para mabigyang hustisya ang mga biktima.

Hihintayin po ng ULTIMATUM ang gagawing aksyon ng kapatiran laban sa mga bugok na ito.

ANG ULTIMATUM

Gud am po, Sir Antiporda. Nagpapasalamat kami sa ULTIMATUM, dahil nakapagbibigay kayo ng magandang mensahe sa nangyayari sa ating lipunan, tulad ng pintor na nakasisira sa atin. TAYONG FILIPINO AY MAY DANGAL AT RESPETO SA ATING KULTURA at may paniniwala ang bawat isa sa atin sa pananampalataya.

Kaya ang maganda sa kanya ay alisin siya bilang pintor at isabit ang kanyang larawan sa plaza. Gawin din sa kanya ang ginawa niyang kabastusan at kalapastangan sa mahal nating Panginoon. Palitan din ang pangalan niya na MIDEO sa MEDYO SATANAS para hindi na maulit ito. +63930857….

PULIS AT MMDA VIOLATORS DIN

Gud am po! sir. Nagmamaneho rin po kasi ako, kaya  araw-araw akong nakakikita ng mga pulis at traffic enforcer, barangay officials na gumagawa ng mga violation tulad po ng beating the redlight, hindi pagsusuot ng helmet. Wala pa pong plate number mga service nila, katulad ng mga motorcycle.

Sana po ay bumuo ng grupo ang LTO at LTFRB para mahuli ang mga violators na ito. Thanks po. +63908391….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply