Si Mayor RTF ng Doña Remedios Trinidad

SUKATAN ng pagiging totoong lider ang pagkalinga niya sa kapwa.

Ang agarang pagtugon nya sa pangangailangan ng kanyang mga nasasakupan.

At ang kanyang katapatan sa kanyang mga ipinangako noong panahong nanunungkit siya ng suporta sa botante.

Ang mga ‘yan, Suki, ang iginagarantiya ng mga taga-Doña Remedios Trinidad sa lalawigan ng Bulacan tungkol sa kanilang alkaldeng si Ronaldo T. Flores.

oOo

Sa totoo lamang, hindi ko nakagawiang magbigay-pugay o kumilala sa accomplishment o perpormans ng isang pulitiko.

Kasi sa loob ng mahigit trenta anyos ko sa pagiging diarista ay nasanay na ako sa paghagupit sa mga tiwaling lingkod-bayan kaysa purihin ang kanilang mabubuting gawa.

Pero sa kaso ni RTF, Suki, ay hindi ako nahirapang kumbinsihin ang aking sarili na kilalanin ang uri ng pulitika nitong meyor ng DRT.

At bigyang-pugay ang kanyang katapatan sa kan-yang mga nasasakupan.

Bulong ng isa nating suki na nagrekomendang gawing aydol ng bayan si RTF: Bossing, ibang klase ang aming meyor!

Ang kanyang mga patotoo, Suki: Bossing, unang araw pa lamang matapos ang kanyang panunumpa sa tungkulin ay umiikot na si RTF sa aming erya upang balangkasin kung paano isasakatuparan ang kanyang mga pangako.

At walang-sawa nyang binabalik-balikan ang bawat pamayanang pinaglalagakan niya ng mga proyekto na makapagbibigay ng kaluwagan sa mga residente.

At ginagawa nya ang pagtulong nang walang pagkiling sa kanyang pulitika.

Na ang ibig sabihin ay nakikinabang din sa kanyang mga proyekto kahit ‘yung mga sumuporta sa kanyang kalaban sa pulitika.

oOo

Ako mismo ay naging saksi sa iyong katapatan  bilang lingkod-bayan.

Kaya saludo sa ‘yo ang kolum na ‘to, Mayor RTF.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply