Sibilyan patay, 2 sundalo sugatan sa bakbakan

ISANG sibilyan ang namatay habang dalawang sundalo ang sugatan sa bakbakan ng tropa ng pamahalaan at armadong grupo sa Zambales, kaninang madaling-araw (Lunes, Agosto 22).

Nakasagupa ng mga tauhan ng 24th Infantry Battalion ang hindi pa matukoy na bilang ng mga armado sa Barangay Taposo sa bayan ng Candelaria, ala-singko kanina.

Tumagal nang ilang minuto ang bakbakan hanggang tumakas ang mga kalaban na pinaniniwalang nalagasan din ng pwersa.

Nasabat din ng mga awtoridad ang ilang armas mula sa nakalabang grupo.

Patuloy ang pursuit operations ng mga awtoridad sa mga kalaban.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply