Sibuyas panlaban sa dengue

MABISANG pangontra sa lamok na nagdadala ng dengue ang sibuyas, ayon kay Customs Deputy Commissioner Horacio Suansing Jr..

Sinabi ni Suansing na may nakapagsabi sa kanila na mabisang pangontra sa lamok ang sibuyas.

Matapos ang panawagan ni Health Secretary Enrique Ona ukol sa banta ng dengue sa bansa sa kasalukuyan ay nagpahayag ang Bureau of Customs (BoC) na handa nilang tulunga ang Department of Health (DOH) para labanan ang dengue.

Dahil dito, ipagkakaloob ng BOC ang tone-toneladang inismagel na sibuyas na nasa kustodiya nila sa DOH.

Hinihiling nila na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan ang DOH para sa tamang disposisyon ng mga nasabat na smuggled onion.

Nabatid na maraming lugar sa bansa ang matagal nang gumagamit ng sibuyas bilang pantaboy sa mga lamok.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply