Sigang dayuhan at maruming paninda

ISA na naman pong trabahador ang nagbigay ng impormasyon at humihingi ng tulong na maiparating sa tanggapan ni Manila Mayor Alfredo S. Lim ang pangmamaltrato sa mga maliliit na manggagawa ng mga negosyanteng Intsik at pagbebenta ng mga ito ng maruming paninda sa Divisoria.

Sabi ng texter, hindi raw dapat maghari-harian ang mga dayuhan sa ating bayan.

Dapat daw makisama ang mga ito sa mga Filipino na siyang nagmamay-ari ng bansang Pilipinas.

Pero sa nangyayari sa Divisoria, naghahari ang mga Intsik dahil sila ang may pera at ang mga Pinoy ang namamasukan dahil walang perang pantustos sa pang-araw-araw na gastusin upang mabuhay.

Kaya naman, ang mga kawawang trabahador ay napipilitang tanggapin ang suweldong P150 bawat araw na hindi naman kasama ang pagkain pero may bonus na mura at panlalait ng kanilang mga among dayuhan.

Isa umano rito ang UNI HARVEST CALYPSO na nasa Sto. Cristo St.

Ang nasabing establisimyento ay nagbebenta ng plastic at grocery items.

Sabi ng impormante, mandaraya ang may-ari nito na si Henry.

Maging ang mga bantay sa tindahan na kanyang mga kapatid at mga pamangkin na kinilalang sina William, Oca, Orson, Tess, Fanny at Rose ay pawang sangkot sa pandaraya at pangmamaltrato sa kanilang mga tauhan.

Wala ring malasakit sa kanyang mga tauhan ang mga negosyanteng ito dahil may pagkakataong nanghiram ng pera ang kanilang tauhan dahil sa pagkaka-sakit ng ama subalit sa halip na magbigay kahit man lang moral support o pampalubag ng loob ay sinigawan pa nito ang tauhan na wala siyang pakialam sa buhay nito dahil hindi naman niya kaano-ano ang kanyang tauhan.

Pandaraya rin po ang ginagawa nilang paghahalo ng mga lumang paninda sa mga bago na hindi naman nahahalata ng mga bumibili. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply