Sigarilyo number one killer sa bansa – FNRI

PINAALALAHAN ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and Technology (DOST) ang mga smokers na ang paninigarilyo pa rin ang numero unong sanhi ng kamatayan ng mga Pilipino.

Batay sa istadistika, tinatayang 49,000 katao ang naitala na namatay noong 2008 dahil sa koneksiyon ng sigarilyo sa ibang sakit tulad ng sakit sa puso at stroke na naging sanhi ng maagang kamatayan ng ilang mga mamamayan.

Maraming kabataan ang nahuhumaling sa sigarilyo at hindi nila pansin na ang paninigarilyo ay unti-unting sumisira sa kanilang malusog na katawan.

Sa kasalukuyan, bumaba ng ilang porsiyento ang bilang ng mga naninigarilyo mula sa 35.0 porsiyento ay 31.0 porsiyento na lang ngayon. Ito ay dahil sa pagpapatupad ng programa ng Department of Health (DOH) at kampanya ng pamahalaan laban sa sigarilyo.

Ang mga programa ng DOH ay nagtuturo sa mamamayan na mapanatili ang malusog na katawan at ang bisyo ay maiwasan lalo na ang kabataan sapagkat ito ay may masamang dulot sa kalusugan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply