Signal no. 1 itinaas sa Luzon

NAKATAAS na sa signal no. 1 ang tatlong rehiyon ng Luzon bunsod ng bagyong Mina.

Ayon sa Pagasa, nasa ilalim na ng storm signal number 1 ang Northern Aurora, Isabela at Cagayan kung saan inalerto nito ang mga residente na nasa mabababang lugar at bulubunduking bahagi na maging alerto sa posibleng mga flashfloods at landslides.

Taglay ni ‘Mina’ ang lakas ng hangin na 105 kilometro bawat oras at pagbugsong hanggang 135 kilometro bawat oras malapit sa gitna.

Ito ay kumikilos ng mabagal pa rin patungong hilaga hilagang-silangan.

Huli itong namataan ng Pagasa sa coordinates na 16.2 degrees north at 126.1 degrees east o nasa 380 kilometers east ng Casiguran, Aurora

Ang tropical storm Mina ay inaasahang magpapaibayo pa sa southwest monsoon na magdadala ng kalat kalat at malawakang pag-ulan sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao lalo na sa western section ng bansa.

“Estimated rainfall amount is from 15-25 mm per hour within the 500 km diameter of the tropical storm,” bahagi ng advisory ng Pagasa.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply