Sikat na aktres may amoy ang hininga

MEDYO nabawasan ang paghanga ng reporter sa isang sikat na aktres dahil sa naamoy nitong kakaiba sa huli.

Pumunta ang manunulat sa bahay ng kanyang idol para makita’t makausap ito. Medyo natagalan ang kanyang paghihintay dahil busy pa ang hinahangaan niyang artista sa ibang trabaho nito.

Infairness, habang naghihintay siya sampu ng kanyang mga kasama, lafang to the max naman sila. Halos ma-ebs pa ang ilan sa kasama niya dahil sa sobrang katakawan sa masasarap na pagkaing inihanda.

Nu’ng finally ay humarap na ang magaling na aktres, katakut-takot na chikahan blues ang nangyari. At ang panghuli, pictorial chuvanes na! Dyarannn…halos ikulong ng movie scribe sa kanyang mga bisig ang aktres para kuhang-kuha sa litrato ang emote niya, aba! napangiwi ang una nang magkaharap sila ng mga mukha ng kanyang idolo, masyoho ang vivig nito.

Hindi naman daw masyadong mabaho pero hindi kakayaning saluhin ng matagalang usapan ang hininga ng aktresa.

Hula ng nagkuwento sa atin, maaaring sa ngipin daw na itinanim sa huli nagmula ang amoy na ‘yon, sa kinain nito o kaya may sira itong ngipin. Hindi naman daw masasabing panis ang laway nito dahil ilang oras ding dumaldal ito.

Dapat parating nagma-mouthwash ang aktres na pinag-uusapan ngayon para hindi namamaho ang hanging ibinubuga niya.

***

Bisaya at mahilig sa hayop ang babaing gusto ni Enrique Gil

MARAMI ang nagtataka kung bakit sa kabila ng kagwapuhan, kakinisan ng balat at ganda ng katawan ay wala pa ring siyota itong si Enrique Gil. Marami naman daw ang nagkakagusto sa kanya. May mga girl nga na kusang nalalaglag ang panty kapag kaharap na s’ya. Hahaha!

Tuloy ang ilan ay nag-iisip. Baklita ba si Enrique? Hindi naman daw. Pero may tsismis na naging buddy-buddy sila nu’ng morenong aktor, huh! Sino ba ‘yon? Ah, ‘yung may girlfriend na singer/actress na parating iniiwanan, na mas gusto pang sumama sa mga barkadang talu-talo? Hahaha!

Anyway, si Ricky ang tipo ng lalaking tahimik lang, a man of few words, ika nga. Kaya siya napagkakamalang bading dahil sa mga katangiang ito.

Alam n’yo ba ang ideal woman niya? “A simple girl, kind and thoughtful. It’s a plus factor if she is a Bisaya-speaking like me and an animal-loving girl. ‘yan ang sabi ng binata.

Inamin din niya na hindi niya priority ang girl sa ngayon dahil gusto niyang mag-focus sa kanyang career at kilalaning isang magaling na aktor.

Suwerte naman ni Gil dahil kahit replacement lang siya ni Albie Casino sa pelikulang ‘Way Back Home’ na palabas na ngayon-malakas ito sa takilya. Hanggang ngayon pinipilahan pa ito ng karamiha’y kabataang moviegoers.

***

Pakalat-kalat na lang si Maricel Soriano

PARTY! Party! ‘Yan daw ang drama ngayon ni Maricel Soriano. Parati raw itong nagsasaya dahil wala naman siyang project sa showbiz na pinagkakaabalahan ngayon,

Kaya naman lagi niyang napupuntahan ang imbitasyon ng mga kaibigan.

So, hindi pala totoo ‘yung balitang tumalilis siya papuntang abroad para lamang takasan ang isyung ikinulapol sa kanya ng dalawang dati niyang kasambahay.

Ano na nga ang nangyari sa naturang reklamo? Tila nawalan ng saysay ang pagtutungayaw ng dalawang ‘angels’. Nagkaroon ba ng under the table negotiation? Hehehe!

Well, maganda naman ‘yon. At least hindi naman nalugi ang mga nagreklamo. May nakuha silang konti kahit papaano.

Anyway, iba nga ang drama ngayon ni Marya. Wala na raw itong pakialam sa mundo. Ang importante sa kanya ngayon ay ang maglibang, tuloy nagmumukhang pakalat-kalat ang dating niya ngayon dahil kung saan-saan pumupunta.

‘Yung isyung nagda-drugs siya at may tama na sa tuktok, tsismis lang ‘yon, until proven guilty, sabi nga. Hahaha!

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply