Simbahan nakaalerto na rin vs dengue

NAKAALERTO na rin ang Simbahang Katolika dahil sa patuloy na paglobo ng dengue cases sa bansa.

Ikinabahala ngayon ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa pagtaas ng  kaso ng dengue sa lungsod ng Quezon. Anang obispo, magsasagawa ng malawakang education campaign ang Diocese ng Cubao kung paano makaiwas ang mga mamamayan sa nakakamatay na dengue.

Kaugnay nito, sinabi ni Ongtioco na nakikiisa ang kanyang diocese sa pamahalaan lalo na sa kampanya na magkaroon ng clean up drive sa mga barangay sa lungsod.

Lagi rin umanong pinaalahanan ng mga pari sa kanyang diocese ang mga mananampalatayang Katoliko na maging malinis sa kanilang kapaligaran upang makaiwas sa nakamamatay na sakit.

Tiniyak naman ni Caritas Manila Executive Director Father Anton CT Pascual na nakahanda ang kanilang 26 na charity clinics para sa tulungan ang mga taong may dengue.

Ayon kay Anton, regular na nagsasagawa ang Caritas Manila ng laboratory test sa mga pasyente lalo na ang mga parishioner na nasasakupan ng Archdiocese of Manila. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply