Simbahan ukol sa ‘exhibit’: Magsisi sa mga kasalanan

IDINEKLARA ni Manila Archdiocese Gaudencio Cardinal Rosales ang Agosto 26 bilang Day of Penance o Araw ng Penitensya bilang paghingi ng tawad sa Diyos dahil sa makasalanang art exhibit ni Mideo Cruz sa Cultural Center of the Philippines (CCP).

Nakatakda ring magpalabas ang simbahang Katoliko ng isang panalangin ng pagbabayad-puri o prayer of reparation.

Inatasan na rin ni Rosales ang Archdiocese of Manila na dasalin ang “Prayer of Reparation” sa lahat ng misa mula sa Agosto 21 hanggang 28.

Sa ipinalabas na circular nitong kahapon (Lunes, Agosto 15) hinikayat ni Rosales ang mga debotong Katoliko na magsakripisyo sa nasabing petsa sa pamamagitan ng pagtitika o “fasting” o iba pang paraan ng pagdisiplina sa sarili bilang pagpapakita ng pagsisisi.

“For us Catholics and Christians, the offense goes beyond visual senses; it strikes into our souls. It is a sin,” ani Rosales sa naturang circular.

Naniniwala rin si Rosales na lumagpas na sa limitasyon ng freedom of expression ang obra ni Cruz na tinawag niyang “blasphemous.”

Matatandaang isinara ng CCP ang “Kulo” art exhibit matapos itong umani ng kabi-kabilang batikos mula sa iba’t ibang sektor.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply