Sina PNoy at Murad sa kapayapaan

ANG malawak na lupain ng Mindanao – punong-puno ng iba’t ibang uri ng kayamanan, subalit tahanan ng mahihirap na Filipino.

Sa nakalipas na mga dekada, ang Mindanao ay hinambalos ng iba’t ibang uri ng kalamidad: bagyo at pagbaha na kumitil sa maraming buhay at

nagwasak sa ari-arian ng kawawang  mamamayan.

Marahas na sagupaan ng MILF – Moro Islamic Liberation Front, MNLF– Moro National Liberation Front at Abu Sayyaf laban sa mga kawal ng gobyerno.

Ang walang puknat na sagupaan at karahasan ay nagpunla ng takot at pangamba sa dibdib ng bayan.

Tinatayang mahigit na 150 libo ang namatay simula nang magsagupaan ang 12,000 miyembro ng milf laban sa mga sundalo ng gobyerno.

Ang pinakamalungkot – napigil at nahinto ang kaunlarang pangkabuhayan sa rehiyon ng Mindanao na itinuturing na mayaman sa mineral resources.

Napapanahon ang naging miting nina Pangulong Aquino at Chairman Al Haj Murad Ibrahim ng Moro Islamic Liberation Front sa Tokyo, Japan.

Tiyak na magiging mabilis ang proseso ukol sa usa-pang pangkapayapaan. Si PNoy na mismo ang nakipagkita kay Al Haj Murad at hindi na

importante ang protocol sa isyu ng katiwa-sayan at kapayapaan.

Tanging karapatan ng Pangulo ang kausapin kahit sino, taglay ang sinseridad at katapatan sa peace negotiations at ito rin ang inaasahan sa pamunuan ng MILF.

Taong 2008 – nagkasundo ang Administrasyong-Arroyo at milf ukol sa moa-ad – Memorandum of Agreement on Ancestral Domain.

Marami ang tumutol sapagkat kakailanganin pa ang susog sa saligang batas at mapaiilalim sa jurisdiction ng milf ang Christian dominated provinces.

Ipinasiya ng Korte Suprema na ang moa-ad ay labag sa konstitusyon.

Ngayon ay hindi na gusto ng milf na magtayo ng sariling republika. Ang itutulak ng milf ay ang tinawag na “sub-state”.

Ibig sabihin – ang Muslim Mindanao ay magkakaroon ng kontrol sa lahat ng aspeto ng major governance, mali-ban sa national defense, foreign affairs, currency and coinage at postal services.

Mahalaga kay PNoy ang peace process at hindi dapat maligaw ang ating paningin sa mga bagay na irrelevant at hindi importante.

Ang importante ay pag-babago at pagsulong upang magkaroon ng lasting peace at economic growth sa Mindanao.

Ito ay inaasahang makakamit sa pagsisimula ng pormal na negosasyon.

Ibinukas na ni PNoy ang telon ng MILF sa tanghalan ng usapang pangkapayapaan.

Marami ang pumalakpak sa ginawa ng Pangulo.

Ang mga hindi kasali sa eksena o mga “spoiler” ay tiyak na magrereklamo.

Tanggapin na ninyo ang katotohanan: hindi pa kayo kasama  sapagkat sa inyong mga ugat ay umaagos ang dugo ng personal at political interest na hadlang sa pambansang kaunlaran.

Ang kaunlaran ng bayan ay hindi lamang tungkulin at responsibilidad ng panguluhan. Ito ay pananagutan ng lahat ng Filipino.

Sa ginawang pakikipagkita ni Pangulong Noynoy kay Murad, nagkatotoo ang kasabihan sa wikang ingles: “Successful leaders have the courage to take action where others hesitate. There is no greater honor than seeing your labors help others triumph”.

Good luck at mabuhay ang ating mga negotiator sa usapang pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation  Front.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply