Singil ng government agencies tataas

PLANONG itaas ng pamahalaan ang singil sa bayarin sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para matugunan ang kasalukuyang budget deficit.

Ayon kay Finance Secretary Cesar Purisima, walang ipatutupad na bagong buwis ang administrasyong Aquino subalit ipapataw ang dagdag singil sa bayarin tulad ng passport sa DFA, Birth, marriage at death
certificate sa National Statistic Office (NSO), NBI clearance, rehistro ng sasakyan at prankisa sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB).

Sinabi pa ni Purisima na nailahad na nila ang proposal at pinag-aaralan na ito ng NEDA upang matukoy kung magkano ang dagdag sa kasalukuyang singil.

Iginiit din ni Purisima na ito ang kanilang nakikitang solusyon upang matugunan ang budget deficit.

Napag-alaman na umabot na sa P44.31 ang kita ng state department sa unag bahagi ng ng taon. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply