Singil sa kuryente, tataas na naman

TATAAS na naman ang singil sa kuryente makaraang aprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang dagdag na 7 sentimos sa universal charge base sa hirit ng National Power Corporation (Napocor) para sa pagdadala ng kuryente sa mga liblib na isla sa bansa.

Mula sa kasalukuyang P0.04, magiging P0.11 na kada kilowatt hour (kWh) ang universal charge.

Ibig sabihin, kung 200 kWh ang gamit kada buwan, P22 ang dagdag-bayad.

P33 naman kung 300 kWh ang gamit.

P17 billion ang hirit ng Napocor pero P4 billion lang ang pinagbigyan ng ERC o katumbas ng P0.07 kada kWh sa loob ng isang taon.

Sa datos ng industriya, lumilitaw na numero uno na ang Pilipinas sa Asya  kung singil sa kuryente ang pag-uusapan.

Nasa P10.33 kada kWh ito, mas mataas pa sa Tokyo, Japan na nasa P10.20  kada kWh.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply