Singil sa public hospitals posibleng tumaas dahil sa PPP

MATAAS na kalidad ng serbisyo at mababang singil ang dapat manaig sa mga Public Private Partnerships (PPP) lalo’t higit sa pangangalaga ng kalusugan ng mga mamamayan.

Ito ang mariing tinuran ni Sen. Franklin Drilon sa programang modernisasyon ng pamahalaan kung saan mabibiyayaan ang 25 ospital na pampubliko na gagamit ng salapi ng mga pribadong mamumuhunan sa pagpapaunlad ng imprastraktura at kalagayan ng mga pampublikong ospital at health centers.

Ayon kay Drilon, nangangamba siya na ang pakikipagsosyo sa mga pribadong kumpanya ay mauwi sa pagtaas ng mga medical fees para sa mga mahihirap na pasyente. Kapag nagkaganoon umano ay hindi niya mapapatawad ang administrasyon at hindi niya maipagtatanggol ang nasabing proyekto .

Nauunawaan umano ng senador ang kakulangan sa salapi ng pamahalaan subalit hindi dapat isakripisyo ang serbisyo sa mahihirap na sektor ng lipunan.

Sa ilalim ng itinakdang P1.86 trilyon badyet para sa taong 2012, 3 bilyon umano ang isinantabi bilang puhunan ng pamahalaan sa modernization program. Ang salapi ay gagamitin sa modernisasyon ng mga kasangkapan at rehabilitasyon ng mga ospital ng pamahalaan. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply