Sinipang MILF spokesman, nanliligaw sa Senado

NILILIGAWAN ni dating Moro Islamic Liberation Front (MILF) spokesman Edi Kabalu ang ilang miyembro ng Senado na pawang miyembro ng Senate committee on peace and order at local governments.

Sa pagmamasid ng remate.ph sa Senado, natuklasan na nagtungo si Kabalu kasama ang isang babae sa tanggapan ni Sen. Antonio Trillanes na hinihinalang nililigawan ang senador na dikit sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III.

Hindi man kinumpirma ni Trillanes ang pakay ni Kabalu, naulinigan naman sa ilang sources sa Senado na kinukuha ng dating opisyal ng MILF ang “loob” ng mga senador na kaalyado ng Palasyo na makopo ang pagiging  officer-in-charge ng Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM).

“Dumadalaw lang,” ayon kay Trillanes.

Nitong Hunyo, sinipa si Kabalu ni MILF chair Al Haj Murad Ibrahim dahil nagbabalak daw itong maging officer in charge ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Inamin din ni Sen. Gregorio Honasan, chairman ng Senate committee on public order and illegal drugs na dumaan si Kabalu sa kanyang tanggapan matapos makipagkita kay Trillanes nitong nakaraang linggo.

“Actually dumaan lang last week, sandali lang, nangumusta lang,”wika ni Honasan.

Itinanggi naman nito na kaya siya kinausap ni Kabalu ay para bigyan ng approval ang pag-upo nitong OIC ng ARMM dahil hindi naman nito binanggit ang tunay na pakay nto.

“Hindi ko na tinanong pero ang balita ko suspended (siya sa MILF),”ani Honasan.

“Nag-courtesy call lang sa akin,” wika naman ng isang senador na tumangging magpabanggit ng pangalan.

Sinipa ni Murad sa MILF si Kabalu matapos nilang matuklasan na nakipag-usap ito kina dating North Cotabato Gov. Emmanuel Pinol at Davao City Vice Mayor Rodrigo Duterte upang magpa-endorso bilang OIC ng ARMM.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply