Sino ang ama ng kabuntisan ni Andrea Del Rosario?

IF THE rumors are true, buntis nga raw si Andrea Del Rosario. Si Andrea po ay member ng isang all-female group na Viva Hot Babes. Inilunsad siya rati na “Lupe” na kahit na paano naman ay nagkaroon ng pangalan.

In some features about her noong araw, it is said na meron siyang BF na isang Frenchman na ayon sa kanya siya niyang pakakasalan.

Kung true nga na buntis siya ngayon at hindi ang French na dating BF ang nakabuntis sa kanya, ay ano ba ang nangyari sa relasyon nila? It is easy to surmise na nagkalabuan nga at hindi na tuloy ang mga plano nilang dalawa.

Heto na nga, buntis daw si Andrea at ang ama ng bata’y isang pulitiko na nagkaanak din sa isang dating beauty queen. Dalawa raw ang anak nitong Daisy Reyes sa naturang pulitiko.

Malabo nga ang tungkol dito. Sa ganito kasi, kung hindi naman umaamin ang mga taong concerned, di puwedeng masyadong bigyang dignidad ang ganitong isyu.

Anyway, according to our source, nakikipagtunggalian ngayon si Daisy sa pulitikong nakabuntis din kay Andrea dahil nga sa kapakanan ng dalawang mga anak nito.

Hindi na muna namin ia-identify ang pulitiko. Tutal naman, di pa umaamin ang sinuman kina Daisy at Andrea. When the time comes na sila mismo ang magsasabing true nga yung tsismis tungkol sa kanila, then that would be the proper time.

So there!

***

TJ Marquez humahabol sa kasikatan ng mga Tween Academy stars

ETSA-PUWERA si TJ Marquez sa Tween Academy, among the Tween Hearts boys, halos si TJ lamang ang hindi nasali sa movie. Sama-sama sa naturang pelikula sina Derrick Monasterio, Kristoffer Martin, Joshua Dionisio, Elmo Magalona at Jake Vargas. Pero hindi naman daw naiinggit si TJ kasi nga, meron naman siyang “Time Of Your Life,” here, he is given a very juicy role.

Nang makausap nga naming ang kanyang manager, idiniin nitong kampante lang siya  na malapit nang dumating ang break ng kanyang alaga. “Hindi naman kami nagmamadali, may mga plano kami kay TJ at tamang-tama lang yung pag-usad ng kanyang career. We hope that one day, darating di yung sarili niyang break.

“Nakatutuwa nga that TJ is delivering, hindi ko inakalang kakayanin niya’ng pressure ng acting para sa Time Of Your Life. Ang lalaki ng mga artistang mga kasama niya pero di na siya naiilang. He feels na isa na talaga siya sa kanila at para sa akin, ang ganda ng senyales nun that he will be easily be in the mainstream,” sabi pa nito sa amin.

Kunsabagay, talaga namang pagdating sa potensyal, di naman pahuhuli si TJ, guwapo, mahusay sumayaw at kumanta at higit sa lahat kasali sa grupo ni Kuya Germs. Lagi siyang nabibigyan ng training sa “Walang Tulugan” at ito siguro ay mahalaga, kasi nga, Kuya Germs teaches them the importance of discipline. “Sinusunod namin yung mga bilin niya, makatutulong sa amin ‘yun,” sabi pa sa amin ni TJ.

At dahil nga may plano sila para sa kanyang career, TJ toes the line para matupad yung mga pangarap para sa kanya. Kasama na nga rito yung iniiwasan muna niya ang tungkol sa usaping pag-ibig. Alam daw ni TJ na makasisira ang maagang pag-ibig kung kaya iwas muna siya sa ganitong problema. “Masaya naman kahit walang ka-love team, puwede naman po talaga kahit mag-isa lang ako. Ang importante, may tiwala sila sa akin, kaya ayaw ko namang masira ang mga plano niya sa akin,” sabi pa ni TJ Marquez.

Derrick Monasterio hunk material

ASTIG ang dating ni Derrick Monasterio. Siya po yung anak ni Tina Monasterio who is herself a starlet in her own times. Di gaanong lumaki ang pangalan ni Tina, although, marami pa rin naman ang nakakikilala sa kanya.

Ngayon nga, much of the publictiy of his son Derrick, ay yung tungkol sa pagiging ina siya si Tina Monasterio. This just means na kahit paano, kahit na starlet pa si Tina nung araw, may sariling kinang naman ang namesung niya noon.

Oo naman!

Anyway, ngayon nga heto na si Derrick, hunk material. Konting panahon lang, magpalaki lang ng kaunti ng katawan, puwede na siyang maging hunk, maging star meterial na isang matinee idol. He has the looks at tindig na madaling hangaan ng mga babae. Among the young boys in his batch, isa si Derrick sa inaasahang gagawa ng malaking pangalan sa larangan ng showbiz.

Sabi nga namin, astig ang dating ni Derrick. At sa totoong buhay pala, talagang astig siya.

Inamin nga ni Derrick Monasterio na isa siyang school bully noong hindi pa siya artista.

Pakiramdam daw niya, siga siya kaya kahit na mas malaki sa kanya, sinisindak niya.

Sa presscon ng “Tween Academy: Class of 2012,” natatawang nagbalik-alaala kay Derrick ang pagiging sobra niyang siga kaya marami ang nagalit sa kanya.

“Matangkad kasi ako for my age kaya ’yung ibang classmates ko o kids sa school, natatakot sa akin. Kapag nasa campus na ako, parang nawawala sila sa paligid,” natatawang kuwento ni Derrick, na isa sa bida ng Tween Academy.

“Ganoon ako ka-bad boy noon kasi pati mga mas matangkad sa akin, hindi ko inuurungan. Astig, kaya walang kinakatakutan,” balik- tanaw ng bagets na wholesome ang image ngayon.

Pero noon ’yun at hindi na raw siya ganoon ngayon.

“Ah, mabait na ako. Siguro growing phase ’yun ng mga bata kasi ’yung feeling mo hindi ka dapat ma-bully kaya unahan mo na sila sa pag-bully.

“Wala naman akong nasaktan physically, puro paninindak lang. Dinadaan ko lang sa lakas ng boses ko,” paliwanag niya.

Ibinuko rin niyang may mga subjects siyang ibinagsak dahil mas inatupag niya ang pagbabarkada.

Pero ang maganda raw sa nangyari, nakapag-isip siya kaya nag-make-up classes siya and in the end, naayos ang grades niya sa school.

Nag-promise rin siya sa mommy niya na never na siyang babagsak at babawasan na ang pagsama sa barkada.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply