Sino ang bagong lalaki ni Kim Chiu?

HANGGANG ngayon, marami ang curious sa love affairs ni Kim Chiu, pahulaan kung sino ba talaga’ng mapalad na lalaki, kapalit sa puso niya kay Gerald Anderson. Kahit kasi hindi sila umamin na naging sila mukha talagang may seryosong nangyari sa kanilang loveteam. Otherwise, hindi naman ganung naging kagulo yung paghihiwalay nila ni Gerald noon.

Yes, there are inklings na seryoso na si Kim noon kay Gerald. Umabot ito sa puntong nakikiligo pa siya sa bahay ni Gerald. And yes, dami raw niyang regalong gadgets and appliance bago sila nag-break. At hindi ba naging matindi ang pag-iyak ni Kim Chiu at ni Gerald sa isang presscon ng huling pelikulang pinagsamahan nila?

Sad to say, flop yung movie kaya hindi na sila muling pinagsama pa ng Star Cinema.

Marami naman ang curious sa love life ni Kim lately. Everybody wants to find out kung sino ba ang bagong nagpapatibok ng puso niya ngayon matapos ang relasyon nila ni Gerald Anderson.

Sey ni Kim ay may mga nanliligaw naman sa kanya although ayaw na siyempre niyang sabihin kung sinu-sino.

“Nahiya naman ako. Sasabihin ko nililigawan ako nito tapos hindi naman pala. Andyan lang naman (sila) and thank you dahil wala lang… ganyan lang,” natawang sabi ni Kim.

And yes, kagagaling lang ni Kim Chiu sa Hong Kong para mag-shoot ng ilang mga eksena sa “My Binondo Girl” kasama ang leading man na si Matteo Guidicelli. First time ng young actress na mag-taping sa ibang bansa kaya naman thankful siya na nabigyan siya ng ABS-CBN ng ganitong proyekto.

“Masaya and excited kasi bagong experience for me. Hindi naman lahat ng show ng ABS-CBN magsi-shoot sa ibang bansa, so nagpapasalamat and thankful, nabigyan ako ng ganitong chance,” pahayag ni Kim sa kanyang panayam sa “The Buzz.’

***

Nora Aunor maagang dumating sa first shooting day ng kanyang pelikula

SUMABAK na si Nora Aunor sa first shooting day ng “El Presidente.” Sa Cavite ang location at 11 a.m. ang kanyang call time. Yes, very positive ang mga updates tungkol dito.

Nakatanggap kami ng feed na 10:30 a.m. pa lang daw ay nasa set na ang Superstar at tiyak na marami ang matutuwa dahil tinotoo naman ng aktres ang pinangako niyang magbabago na siya.

Samantala, sa presscon ng El Presidente ay natanong nga pala si Gov. ER Ejercito kung okay lang ba sa kanya sakaling may mga producer na gustong kunin si Ate Guy sa isang pelikula at mauna pang ipalabas sa naturang historical film.

Next year pa kasi ipalalabas ang El Presidente at marami ang nagsasabi na for sure ay maraming maiinip na mga Noranians na sabik na sabik nang mapanood si Guy sa isang pelikula.

Ayon kay ER ay wala raw problema sa kanya at okay sa kanya kung may producer man na gustong kumuha kay Guy.

“Wala pong problema sa akin, kasi hindi naman natin pwedeng madaliin, kailangan, quality film, yan ang usapan namin ni Direk Tikoy (Aguiluz) at ng producer namin na si Ma’m
Mylene (Enriquez), quality film. Hindi namin iniisip ang return of investment, eh. Ang iniisip namin, quality film na maipagmamalaki natin sa ibang bansa,” sey ni ER.

Pero ayon naman sa Superstar, siyempre, ang priority niyang tapusin ay ang kanyang mga commitments na tinanguan tulad nga nitong El Presidente at mini-series sa TV5.

Nagpahayag nga raw si Mother Lily Monteverde of Regal Films na gusto siyang kunin para sa pelikulang “Hototay’ at gusto rin naman daw niya.

“Kaya lang, tapusin ko muna ’yung pelikula kay Gov. at saka ‘yung sa TV5 (na mini-series). Pagkatapos nu’n, saka na lang mag-usap muli,” sey ni Guy.

***

Walang kupas si Dulce!

NAGPA-SAMPLE ng kanyang boses si Dulce sa presscon para sa kanyang upcoming birthday concert titled La Dulce Diva na gaganapin sa Music Museum on Aug. 27. Ipinamalas ni Dulce sa entertainment press ang singing prowess niya na talagang wala pa ring kupas. Inawat niya ang Memories na talaga namang nakakikilabot pakinggan dahil nga ang ganda ng boses ni Dulce.

Buong-buo pa rin ang boses ni Dulce kahit pa nga sabihing matagal na siya sa industriya na nakilala bilang isa sa pinakamagaling nating mang-aawit sa bansa.

Kaya naman curious ang lahat na malaman kung paano niya nape-preserve ang golden singing voice.

“Salamat sa Diyos, oo nga, nandiyan naman at hindi nawawala. Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil hindi naman natin ‘yan binili, hindi natin inaral, hindi natin nakuha kung saan lang, but binigay.

“Talagang it’s a gift na dapat pangalagaan at nagpapasalamat ako na through the years, through the times of our life ay nandiyan siya at nagagamit pa rin,” pahayag ng magaling na singer.

Ano-ano ang ginagawa niyang disiplina sa sarili?

“Well, unang-una kasi, talagang may mga sakripisyo ’yan. Ang unang-unang napansin nila, pag nagso-show ako, hindi ako umiinom ng kahit ano, or tubig, kahit ano, kahit na 3 hours akong kumakanta.

“Ah, sabi, scientifically, wala namang koneksyon daw ‘yun sa medical. Pero gusto ko sanang baguhin ’yun. I tried once, o sige, mag-iinom nga ako ng tubig habang kumakanta pero it didn’t work for me. Parang nagsisi ako nangyari ’yun,” paliwanag ni Dulce.

Another thing, kahit tapos na raw ang kanyang show or performance, naghihintay pa raw siya ng isang oras bago mag-take ng kahit ano para mapahinga muna ang kanyang lalamunan.

“So, kahit uhaw na uhaw ako, medyo tinitiis ko ’yun. Saka, iwas sa sigarilyo, iwas sa pollution, sa puyat. Kung puyat man, talagang bumawi ka ng pahinga.”

Natanong nga kung ano ang masasabi niya sa pagkawala ng boses ni Ate Guy at ano ang magiging reaksyon niya sakaling sa kanya mangyari ’yun.

“Si Ate Guy, totoo ba ‘yun? Well, siguro, dahil na rin sa hindi siya kumakanta nang matagal. Pag hindi naman kasi nababatak, naiiba, hindi nae-exercise.”

Puwede rin daw na dahil sa sigarilyo dahil lahat daw ng kilala niyang smokers ay hindi tumataas ang boses at bagkus ay pababa pa.

Pero ayaw naman daw niyang pangarapin na mangyari sa kanya ang nangyari kay Ate Guy.

Samantala, espesyal ang b-day concert ni Dulce dahil makakasama niya ang Big Amp Band under the baton of Mel Villena, kasama ang mga guest performer na sina Ms. Pilita Corrales at Jed Madela. Produced by Ms. Jo Arboleda under the direction of Kokoy Jimenez.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply