Sino sa Red Lions at Stags ang madudungisan?

WALANG talo sa walong laro ang defending champion San Beda at runner up na San Sebastian.

Subalit sa pagtatapos ng first round elimination ng 87th NCAA seniors basketball competition sa The Arena sa San Juan bukas, Biyernes, ay isa lamang sa kanila ang matitirang walang dungis sa team standings.

Maghaharap dakong alas-4:00 ng hapon ang Red Lions at Stags para malaman kung sino sa kanila ang hahawak ng top spot sa last day ng first round.

Sa first game magkikita ang Letran Knights na okupado ang third spot na may 6-2 panalo-talo karta at ang galing sa panalong Jose Rizal University Heavy Bombers na may 3-5 record.

Ang panalo ng JRU ang maglalagay ng three-way tie para sa fourth spot kung saan nakaupo na ang guest team Lyceum of the Philippines U Pirates at College of Saint Benilde Blazers na may parehong 4-5 card.

Sa kalagitnaan ng first round ay nahawakan na agad ng Pirates ang pang-apat na puwesto at sa penultimate day ng elimination ay sumampa ang Blazers matapos nilang daigin ang Emilio Aguinaldo College Generals, 80-68.

Pumutok si Jonathan Grey ng double-double performance (17 puntos at 12 rebounds) upang iakyat ang Blazers sa fourth spot.

Sa first canto ay umarangkada muna sa opensa si Mark Romero ng anim na puntos habang nag-ambag sina Juan Taha, Timothy Mccoy at Carlo Lastimosa ng tig lima, apat at tatlong puntos upang umabante agad ang Blazers 18-11 papasok ng second quarter.

“We have a good start and we’re happy to be in the top four.” wika ni CSB head coach Richrad Del Rosario.

Samantala, itinapon sa labas ng playing court sina Jan Tan ng CSB at EAC rookie player Elyzer Paguia matapos silang magsuntukan sa third period.

Sa isang rebound play naganap ang initan ng ulo nina Tan at Paguia ng tamaan ng una ng siko sa baba ang huli may 8:47 sa third period habang tumitira sa free throw line si Generals rookie Joshua Torralba.

Gumanti si Paguia matapos maipasok ni Torralba ang charity nang lapitan nito ang aaktong inbound na si Tan sabay tuhog din ng siko at kamao sa dibdib at baba ng CSB center.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply