Sino si Aguinaldo?

MAGKAKAROON daw ng pelikula para kay Emilio Aguinaldo, ang hinirang ng mga Kastila na maging mayor ng Kawit, Cavite.

Siya ay ni-recruit ni Andres Bonifacio upang mamuno sa Cavite sa kung tawagin ay Magdalo Faction.

Ang ibang mga Kabitenyo ay sumama naman sa Magdiwang.

Sana ay huwag kalimutan ng mga susulat at magpo-produce ng talambuhay ni Aguinaldo ang mga susunod na paalala upang hindi naman maging mala-fiction ang pelikulang ito.

Pitong buwan matapos iutos ni Emilio Aguinaldo ang pagpatay kay Andres Bonifacio at kapatid niyang si Procopio ay isinuko ni Aguinaldo noong ika-14 ng Disyembre 1897 sa  mga Kastila ang digmaan ng Katipunan sa Biak na Bato sa halagang $800,000 (Mexican dollars)  na tinanggap mismo ni Aguinaldo.

Pumayag si Aguinaldo at ang mga kasama niya na manirahan sa Hong Kong dala ang salaping ibinigay sa kanila ng mga Kastila.

Matapos ang apat na buwan, April 27, 1898, nakipagkasundo si Aguinaldo sa mga Amerikano sa pangunguna ni Admiral George Dewey na tulungan ang Amerika na lupigin ang Pilipinas na noon ay hawak pa ng mga Kastila.

Pinasakay ng barko si Aguinaldo at kasama ang kanyang mga heneral na nasa Hong Kong.

Sa kabila ng kasunduang iyon, idineklara ni Aguinaldo ang sariling kalayaan sa bayan ng Kawit, Cavite.

Si Aguinaldo rin ang nag-utos na ipapatay si Gen. Antonio Luna dahil nagsususpetsa siyang ang pera ng rebolusyon ay ibinulsa si Luna.

Hinabol ng mga Amerikano si Aguinaldo na tumakas naman papuntang Cagayan Valley na kung saan siya nahuli.

Sumumpa si Aguinaldo bilang pagtanggap niya sa kanyang loyalty sa America.

Nang sumiklab ang World War II, na kung saan nasakop naman ng Japan ang Pilipinas, si Aguinaldo ay kumampi naman sa mga Hapon.

Nang makabalik ang mga Amerikano sa Pilipinas, lumaban si Aguinaldo sa pagkapangulo ng Pilipinas laban kay Manuel L. Quezon.

Natalo si Aguinaldo sa isyu ng sinasabing pagpapapatay niya kay Bonifacio.

Si Daniel Tirona na heneral ni Aguinaldo ay umanib naman sa Partido Federal na pro-American noong Dec. 23, 1900.

Ngunit nang maging Pangulo ng Pilipinas si Diosdado Macapagal ay idineklara niya na si Aguinaldo ang unang president at ginawang June 12 ang taunang selebrasyon ng Pambansang Kalayaan o Independence Day.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply