Sino si senador mannerism?

MUKHANG kailangang kumonsulta ng isang mambabatas sa isang psychiatrist dahil sa kanyang mannerism.

Batay sa nasaksihan ng matang kuwago ng Remate habang nakikinig sa talumpati ang isang senador ay wala itong magawa kundi ang maghanap ng paglilibangan.

Laking gulat ni matang kuwago nang biglang isubo ng senador sa kanyang bibig ang kanyang antipara o salamin sa mata.

Ang akala noong una ni matang kuwago ay baka gamitin pang toothpick.

Iyon pala, kanya itong ngunguyain at kakagatin na tila gutom na gutom ang naturang mambabatas.

Nakatutuwa kasi hindi lang ilang segundo ito ginawa ng mambabatas kundi halos sa kalagitnaan ng speech at hanggang sa matapos ang speech ng kapwa mambabatas ay subo-subo niya ang kanyang antipara.

Nang matapos mag-speech ang kapwa niya mambabatas, agad niya itong tinanggal na halos muntik pa ngang masundot ang kanyang ngala-ngala at mata dahil sa sistema ng kanyang pagtanggal o paghila ng antipara mula sa kanyang bibig.

Take note hindi lang ito ang unang pagkakataon na maganap ang mannerism ni senador kundi madalas niya itong ginagawa kahit pa dumadalo sa isang committee hearing.

Style pa nga ng mambabatas na sa tuwing tatanggalin niya ang kanyang salamin sa mata ay lagi niya itong isinusubo.

Hindi tuloy alam kung mannerism ito ng senador o sadyang lagi lang siyang nagugutom kasi hindi normal ang gawaing ito.

Kaya hindi na nagtaka ang ating matang kuwago kung bakit matapos ang sesyon at paglabas niya ng session hall ay diretso siya sa isang kainan sa gusali na kung saan handa na ang pagkain at naghihintay na ang misis niya.

Ang naturang mambabatas ay lubhang mabango sa kasalukuyang administrasyong Aquino at lahat ng kanyang hilingin ay kanyang nakakamtam.

Mahilig talaga ito sa pagkain dahil ang isang pares nga ng sandwich o club house ay kayang-kaya niyang kainin o ubusin sa loob ng kulang-kulang isang minuto.

May tanong lang po ang inyong lingkod kung ligtas na bang kumain ng baboy sa ngayon at talaga bang wala ng Foot and Mouth Disease (FMD) sa mga alagang baboy?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply