Sinong magsasaya sa bukas?

IT’S either crown or cry for grand slam seeking Talk N’ Text or spoiler Petron Blaze when they finally meet in the much awaited 7th game of PBA Governors’ Cup at the Smart Araneta Coliseum Sunday evening.

Both Texters and Boosters are clinging to three wins, three loses card face each other anew, kasunod ng 104-78 na pagsalya ng Tropa ni coach Chot Reyes sa mga bataan ni head mentor Ato Agustin noong Biyernes ng gabi.

Gumuhit sa scoring parade sina Ranidel de Ocampo (21), ang nahirang na most improve player na si jason Castro (19) at ang muling hinugot na nakapahingang si Maurice Baker na bukod sa kanyang 18 puntos, 11 borads at tatlong assist ay kinadenahan ang Booster import na si Anthony Grundy sa kanyang pinakamababang limang puntos bukod sa pagbibigay ng inspirasyon at sigla sa kanyang teammates.

Hindi nagbunga ng maganda ang 19 puntos ni Arwind Santos, 14 ni Danny Ildefonso, 12 ni Dennis Miranda at ang 11 ng bagitong si Severino “Nonoy” Baclao sa sunud-sunod na pagratsada ng mga shooter ng Tropang Texters.

Kasabay ng pagabagsak ng lobo s Big Dome madadagdagan ng sigla ang Coliseum dahil sa idinaraos na anibersaryo ng league darlings Ginebra San Miguel na tiyak na dadaluhan ng mga player at mga tagasubaybay ng PBA Governors’ Cup semifinalists.

 

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply