Sipain si Jeff Tamayo at tahong at basura

MALAKING kahihiyan ng bansa at sagabal sa pag-unlad ng sports ang pagkakatalaga ni Jeff Tamayo sa Philippine Olympic Committee bilang direktor at spokesman.

Akalain ba nating ang Philippine Dragon Boat Team na 3-time world champion sa boat racing ay kanyang pagkukutyain?

“Matatanda na ang mga yan, ampaw pa.” Ito ang buod ng pagtanaw ng tadong si Tamayo sa mga world champion natin na binubuo pa naman ng mga sundalo, navy, airforce at coast guard ang nakararami.

MGA PARANGAL

Dahil sa kanilang nagawang ikinararangal ng bansa, kumilos ang mga nasa Kamara para kilalanin sila, isang istasyon ng radio at telebisyon, pati na ang lahat ng mediamen, Malakanyang at mismong Armed Forces of the Philippines.

Ngayon ay makaaasa ang team na ito na magkakaroon na sila ng kahit papaano’y pamasahe sa pagluwas sa ibang bansa upang muling ipamalas ang kagitingan ng lahing Pinoy.

Makaaasa rin ang lahat ng atleta ng aksyon na lumaya sa kuko ng mga pulitiko na matagal nang namumunini at sumisira sa sports ng bansa batay sa pangako ni PNoy na ihihiwalay niya ang pulitika sa sports.

Taliwas ito sa pinaggagawa nitong si Tamayo na wala man lang yatang pagsisi sa kanyang ginawa.

SIPAIN SI TAMAYO

Siguro, pupuwedeng simulan ni PNoy ang pagbabago riyan sa POC, at sa Philippine Sports Commission na rin sa pamamagitan ng pagsipa kay Tamayo sa puwesto.

Pagkatapos na sipain ito sa puwesto, at gusto pa niyang bumalik nang may pagsisisi, papuntahin siya sa Manila Bay at doon kumuha ng pampalaman niya ng sikmura para mabuhay.

TAHONG AT BASURA

Gaya ng buhay-Dragon, magsisid siya ng tahong, halaan at seaweeds sa maruming Manila Bay at gawin nitong araw-araw niyang pagkain. Kung magsawa siya sa seafoods, pupuwede na rin siyang magkalkal ng basura para may pambili siya ang sardinas para mas magiging sosyal naman ang kanyang ulam.

Huwag hayaan itong dumukot sa pondo ng POC para lang masasarap ang kanyang kinakain at para sa kanyang pamilya.

Pagkatapos nito ay pagwagwanin nang pagsagwanin ng kung ilang oras araw-araw para maramdaman niya ang paghihirap ng ating mga champion.

O PNoy, kung puro kahihiyan at kamatayan lang naman ng sports ang iniuupo niya sa puwesto, sipain na lang ninyo si Jeff Tamayo.

oOo

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply