Sisilbihan ng warrant, kumasa sa parak, tigbak

DEDO sa pagkasa sa pulisya ang isang wanted na lalaki habang isinisilbi sa kanya ang warrant of arrest dahil sa kasong robbery holdup sa Quezon CIty, iniulat ng pulisya ngayon, Huwebes.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek na si Giovanni Droba, residente ng 18th Avenue Murphy, Cubao.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente sa loob mismo ng bahay ni Droba.

Bago ito, nabatid sa mga operatiba ng CIDU na isisilbi nila ang warrtant of arrest laban kay Droba dahil sa kasong robbery holdup na kinasasangkutan nito may ilang araw na ang nakalilipas.

Dahil may natanggap na impormasyon na bukod sa armado ng baril ang suspek ay siguradong hindi ito pahuhuli ng buhay kaya nagdagdag sila ng mga tauhan para mapigilan ang madugong shootout.

Pero gaya nang inaasahan, imbes sumuko ay pinaputukan sila ni Droba kaya humantong ito sa may ilang minutong putukan at nang mahawi naman ang usok ay nakitang nakahandusay na ang suspek sa sahig.

Narekober ang isang 38 revolver sa suspek na isinasangkot sa serye ng holdapan sa lunsod partikular sa Cubao na kanyang baluwarte.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply