SK chairman sumabit ang leeg sa kable, utas

PATAY ang 16-anyos na 4th year student at SK chairman nang sumabit ang leeg sa cable wire habang nagmamaneho ng motorsiklo, Miyerkules ng gabi sa Malate, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Julis Caesar Catipon, graduating student ng Villaroman High School, ng 2265 Leveriza St., Malate, Maynila at kasalukuyang SK chairman ng Brgy. 720 Zone 78 District 5.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Edgardo Ko, dakong 10:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng sidewalk ng Paraiso ng Batang Maynila na matatagpuan sa M. Adriatico St., Malate, Mayanila.

Nauna rito, nag-joy ride umano ang biktima at isang Abednigo Agustin sakay ng brand new na Yamaha Motorcycle na service ng kanilang barangay.

Si Catipon ang nagmamaneho ng motorsiklo habang angkas si Agustin nang hindi mapansin ang concrete barrier na nakaharang sa sidewalk ng Paraiso na may nakakabit na steel cable wire.

Sa puntong ito, sumabit ang leeg ng biktima sa wire dahilan upang bumaligtad ang sinasakyan nilang motorsiklo.

Agad namang tinawag ni Agustin si Kagawad Thelma Catipon, nanay ng biktima upang dalhin ang biktima sa Ospital ng Maynila ngunit binawian din ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas sanhi ng tinamong sugat sa kanyang lalamunan at leeg.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply