Skyway sa SLEX: Nanghuhulog, pumapatay

LIGTAS ba para sa mamamayan ang Skyway sa South Luzon Expressway?

Nagtatanong tayo, mga Bro, dahil sa pagkamatay ng  dalawa katao kamakailan sa nasabing kalsada sa kalangitan, sa ibabaw ng SLEX.

Namatay ang driver at isang pasahero ng Dimple Star Bus na nahulog mula sa Skyway.

Di ba meron na ring mag-iina na sakay ng isang Toyota Fortuner na namatay rin sa kalsadang ito ilang buwan na ang nakararaan?

Bumali-baligtad ang kanilang sasakyan noon na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

At paano yung mga lamang tao ng isang armoured truck na nahulog din noon sa Buendia exit/entry bago nahulog ang Dimple Star Bus?

PANAY KASALANAN NG MOTORISTA

WALA pa tayong narinig na aksyon mula sa mga kinauukulan ukol sa mga disgrasyang nagaganap pabor sa mga biktima.

Basta nakatatak na lang sa utak ng mga nasa gobyerno na okey na okey ang Skyway.

Sa usapin ng disenyo, tatag at iba pa.

Kung madidisgrasya ka at mamamatay ka, kasalanan mo na rin.

At sasabihin sa iyo ang iyong mga violation umano.

DEPEKTIBONG DISENYO

Pero saan mo man tingnan, bakit nagkakadisgrasyahan diyan, bakit may nahuhulog na mga sasakyan?

Ang sabi, may overspeeding ang Dimple Star Bus.

Eh paano ang nahulog na armoured van, hindi naman makatakbo nang mabilis ngunit nahulog pa rin?

Ang babaeng nagda-drive, bakit gumulong-gulong ang kanyang Fortuner?

Dahil sa mga pangyayaring ito, hindi natin basta matatanggap na walang pananagutan ang operator ng Skyway na Somco Skyway O & M Corp (SOMCO) sa mga pangyayari.

PNOY, PAKISILIP PO

Hindi dapat na hayaan na kung ano ang sinasabi ng SOMCO ay siya nang dapat na paniwalaan.

Mr. President, ginawa ang Skyway noong panahon na kaduda-duda ang mga kontrata at paggawa ng mga kalsada.

Ang mga baluktot, marurupok, wala sa lugar at mali ang mga disenyo ay inaaprubahan basta’t may tongpats.

Hindi kaya biktima ng ganitong sistema ang Skyway noon at ngayon ay nadidisgrasya, nahuhulog  at namamatay ang mga dumaraan diyan?

oOo

Anomang reklamo ay maaaring iparating sa programang Power Point ng RHTV o DZRH 666khz AM tuwing Sabado 3 to 4 PM, www.remate.ph o itawag sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply