Smale-scale mining aagawin ng DENR sa LGUs

NAIS ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bumalik sa kanilang ahensya ang kapangyarihan na mapasailalim ang pamamalakad sa operasyon ng mga small-scale miner sa mga lalawigan.

Bunsod umano ito ng mga ulat ng pang-aabuso sa kalikasan sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Isinumite ng mga opisyal ng DENR-Bicol Regional Office ang nabanggit na balakin sa punong tanggapan na rebyuhin at amyendahan ang polisiya ukol sa pamamahala sa mga kumpanyang may small-scale mining operation.

Sa ngayon ay ang lokal na pamahalaan ang nag-iisyu ng permiso upang makapag-operasyon ang mga kumpanyang nasa small-scale mining.

Subalit balak ng regional office ng DENR na mabalik sa kanilang ahensya ang nasabing kapangyarihan dahil sa ,

Ngunit mas mainam sana, ayon kay Joselin Marcus Fragada, DENR Bicol regional executive director, kung maibabalik sa punong tanggapang ng kagawaran ang nasabing kapangyarihan upang mapigil ang malawakang paglabag sa Mining Act ng small-scale miners.

Marami umano sa mga kumpanyang ito ang mismong nagwawasak ng kalikasan dahil sa mga di-ligtas na gawain ng mga ito.

Napapabayaan din umano ang paghihigpit sa safety measures kaya’t madalas may nasasawing  minero.

Tinukoy ni Fragada ang paggamit ng mga pampasabog o dinamita at mga heavy equipment kahit ang pinapayagan lamang gumamit ng mga ito ay ang mga large-scale mining operations  na may Mineral Production Sharing Agreements (MPSA) mula sa Mines and Geosciences Bureau.

Umaabot sa 7,000 katao ang nagtatrabaho sa small scale-mining sa anim na lalawigan sa Bikol ay.

Sa bilang na ito, 2,000 ang nasa Camarines Norte sa mga minahan ng ginto, bakal at tanso sa mga bayan ng Paracale, Jose Panganiban, Lao, Capalongga at Basud. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply