Smart Gilas pasok sa semis ng Jones Cup

HINABLOT ng Smart Gilas-Pilipinas ang natitirang slot sa semifinals ng 33rd William Jones Cup sa Taipei, Taiwan sa bisa ng 94-78 panalo kontra Japan sa huling laro ng elimination round.

Naging gitgitan ang laro sa unang tatlong yugto bago tuluyang lumayo ang Pilipinas dahil sa mainit na three-point shooting ni Dondon Hontiveros.

Tinapos ng mga Pinoy ang elimination na may kartadang 5-2.

Malaki rin ang naging kontribusyon ng naturalized Filipino na si Marcus Douthit na siyang umangkla sa opensa at depensa ng Pilipinas sa shaded lane.

Ang iba pang tinalo ng bansa sa elimination round ay ang mga koponan ng United Arab Emirates, Malaysia, Chinese Taipei at Iran.

Nakamit naman nila ang dalawang kabiguan sa kamay ng Jordan at South Korea. Rico Navarro

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply