Smart Gilas vs Iran sa Jones Cup semis

KAHIT tinalo ng Smart Gilas-Pilipinas ang defending champion Iran sa elimination round ay pihadong dadaan pa rin sila sa butas ng karayom sa magaganap na semifinal round ng William Jones Cup sa Hsinjhuang Stadium, New Taipei City ngayong gabi, Agosto 13.

Nakopo ng South Korea ang top spot sa 6-1 panalo-talo karta habang may tig 5-2 win-loss slate naman ang Smart Gilas at Iran habang 4-3 record ang Taiwan.

Giniba ng Nationals ang Iran, 73-59, sa opening day ng laban at ngayon ay muli silang maghaharap para malaman kung sino ang uusad sa finals kontra sa mananalo sa South Korea at Taiwan.

Tinalo kagabi ng Nationals ang Japan, 94-78 habang pinatalsik ng Iran ang Jordan, 68-67.

Tinambakan naman ng South Korea ang Taiwan, 110-68.

Tangan din ng Jordan ang 4-3 karta subalit ang host country Taiwan ang pumasok sa semifinals dahil natalo ang una sa huli, 75-77, sa elimination. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply