Smart Gilas wagi vs Taiwan

GINIBA ng Smart Gilas ang host country Taiwan, 90-78, para mairehistro ang ikalawang dikit na panalo sa 33rd Taiyen Jones Cup sa Taipei, Taiwan nitong Linggo ng gabi, Agosto 7.

Mainit na sinimulan ng mga Pinoy ang laro at nagbuslo ng 58% ng kanilang tikada sa field. Pero nagawa pa ring dumikit ng Taiwan sa halftime, 33-38.

Hindi naman nagpabaya ang Smart Gilas at tuluyan nang iniwan ang katunggali sa second half para pantayan ang South Korea at Jordan sa tuktok ng standings sa hawak na 2-0 record. Jimbo De Guzman

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply